Sikat na sikat ngayon ang bagong MPD HQ bagman (Attention: Gen. Carmelo Valmoria)

090214 police bagman‘Yan ang usap-usapan ngayon ng mga pulis sa MPD HQ kaugnay sa galaw ng isang grupo ng kotong cops na sa kanila naka-imbudo ngayon ang payola at intelehensiya mula sa mga ilegalista sa buong kamaynilaan.

Base sa impormasyon sa atin, isang alias TATA KRIX at TATA KAMPO-TOTOY ang humahataw sa pangongolektong gamit ang isang unit sa MPD.

Kilalang-kilala nga ng lahat ng illegal gambling operator ang mga kumag at may pa-bonus pa sila.

Kapag hindi rehistrado o pasok sa kanila ang ilang ‘butas’ ng ilegal na sugal ay tiyak na sakote sa kanila.

Sobrang magaling daw kasing magpaikot at sumipsip ang utak ng ‘imbudo tara gang’ na isang opisyal sa kanyang mga bossing sa MPD at sa city hall?

Ito rin daw opisyal na ito ang tongpats ng mga paihi sa mga barge riyan sa Smokey Mountain.

Mukhang nagmamadali ‘atang magpayaman ang opisyal mong ‘yan, MPD DD Gen. Rolly Nana!?