Thursday , June 4 2026

Willie, ‘di raw hahayaang maubos sa casino ang mga naipundar na yaman

ni Roldan Castro

032315 willie

NASA puso ang mga sagot ni Willie Revillame sa one on one interview niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho ng GMA 7.

Paano raw sasagutin ni Kuya Wil ‘pag inintriga siyang naghihirap na kaya nagbalik-telebisyon para sa bago niyang programa na Wowowin sa GMA 7?

“Hindi ako apektado sa mga sinasabi nila kasi ikaw naman ang nakaaalam ng totoo sa buhay mo.Naghihirap? Ito nga ang mahal nga nito,” pakli niya na nakatawa sabay turo sa branded niyang polo shirt.

Nakita sa nasabing programa ang mga ari-arian ni Kuya Wil gaya ng ginagawang 5 star hotel sa Tagaytay na abot-kamay ang Taal Lake, ang tatlong fully-furnished villas sa Tagaytay Highlands, ang Wil Tower na nakapangalan sa kanya sa Quezon City na malapit na akong mapundi sa Vista Land. (Take note: Senator Manny at Cynthia Villar. He!he!he!). Pagmamay-ari roon ni Kuya Wil ang apat na palapag ng condo at helipad.

Nandiyan din ang magara niyang bahay sa isang subdivision sa Quezon City, ang dalawang Rolls Royce na nagkakahalaga ng P35-M at P38-M, Ferrari sports car na P35-M, at isang yate na P18-M.

May hirit ulit na tanong si Jessica kung ano ang reaksiyon niya at sasabihin na naman ng mga detractor na nagyayabang siya dahil ipinakita niya ang properties niya?

Hindi siya apektado dahil hindi naman daw galing sa pagnanakaw ang mga naipundar niya. Pinaghirapan niya nang husto ang mga ito.

“Hindi mo ige-gauge ‘yung pagkatao mo sa pera. Aanhin mo lahat ng perang ‘yan kung paglabas mo riyan, eh, walang nagmamahal sa ‘yo. Sa akin, hindi ko Diyos ang pera.’Yung pinaghirapan ko, I want to enjoy my life,” sambit niya.

Inamin din ni Willie na nag-casino siya pero libangan lang daw ‘yun. Hindi rin niya papayagan na mawala ang mga ari-arian niya dahil lang sa casino.

“Naglibang lang ako sa buhay ko. Pinakiramdaman ko lang kung anong mayroon kasi hindi ako sanay diyan, eh. Na-challenge ako. Oo, nagsugal ako, pero part ng buhay ng tao ‘yan. Pero hindi ako magpapaubos sa casino,” deklara niya.

Sinabi pa ng sikat at matulunging TV host na mahigpit na ipinagbabawal ng kanyang kontrata sa GMA Network na maging laman ng casino. May kaugnayan ito sa pagbili niya ng airtime sa GMA para sa Wowowin.

“Tinigilan ko na ‘yan. Una, bawal na sa akin gawin ‘yan, kasi in my contract with GMA, hindi na puwede. Sa sarili ko na rin, sinabi ko kasi ang pangit, eh,” bulalas pa niya.

Sey pa niya na bawal din sa GMA na ma-involve siya sa politics na nagagamit ang kanyang show.

‘Yun na!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …