This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NITONG Semana Santa, dahil long holiday, maraming celebrities ang nagpunta kung saan-saang exclusive resort. Mayroon din naglabasan ng bansa habang ang iba naman ay nagsipunta sa kani-kanilang rest house.
Pero bago mag-Semana Santa, namataan ng ilang bubwit natin ang very very sweet na lovebirds ngayon d’yan sa Rockwell mall sa Makati City.
Hindi na natin iba-blind item, kasi mukhang open na open naman ang relationship nila in public.
‘Yung gentleman ay walang iba kundi ang kagalang-galang na Immigration Commissioner Siegfred Mison habang ‘yung sexy lady ay walang iba kundi ang actress/TV host na si Ms. Valerie Concepcion.
Namataan silang nakapila sa isang food counter, na tila bumibili ng ‘kutkutin’ as in sitserya & drinks dahil mukhang manonood sila ng movie.
Wow, mukhang magkasundo si Commissioner Mison at si single-mom actress Ms. Valerie sa panonood ng movie. Kumbaga pareho sila ng taste.
E ‘di ba sa mag-partner ‘yan ang mahirap pagkasunduin? Ang hilig kasi naming boys ‘e action, comedy or suspense thriller habang ‘yung mga girl ang type ‘e romance, horror and drama.
Anong genre kaya ng pelikula ang pinagkakasunduan nina Commissioner and Ms. Valerie?
O baka naman nagtititigan, nagbubulungan at naghihipuan ‘este naghahawakan lang sila sa dilim?
I-share n’yo naman ang napanood ninyo sa amin.
Anyway, ano man iyon, ang gusto nating malaman ‘e saan kaya nag-phase 2 ang mag-wizhart!?
Payong kaibigan lang, hinay-hinay lang Commissioner Mison dahil mukhang sing-edad na halos ng anak mo si Ms. Valerie, baka mahirapan ka nang humabol?
Kunsabagay panay naman daw ang basketball shoot & dribble mo ‘e, ‘di ba?
Mukhang naniniwala ka kasi sa kasabihang, practice makes perfect.
Saan man umabot ang espesyal na pagti-tinginan ninyo ‘e I wish you endless love.
Advance congratulations and best wishes, Commissioner Mison & Ms. Valerie!