Sunday , May 19 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Tubig, ngipin at tsinelas

00 PanaginipGood day Señor,

Mayroon po aqng 3 pnapagnip n mdlas qng mapanagnipin. 1. Uhaw n uhaw dw aq, kht uminom aq ng isang drum n tubg e kulang p dn.plit p dn aq humhnap ng 2big. 2. Lgeng ntatanggalan lht ng ngipin q,kht mdmpian lang ng dila q e natatanggal n, hanggang lht ng ngipin q e nbunot na. 3. Kpg nkalabas n q ng bhay at papasakay n ng tric.,ska q lng napapansin n wla pla aqng suot n tsinelas minsan ska q lng n papansin n hubot hubad pla aq. Napapaicp p aq kun anu b ibg.sbhn nun.slamat po. Plz.dont post my no. –joy of pasig-

To Joy,

Ang panaginip na ikaw ay nauuhaw ay sumisimbolo sa mga pangangailangan mong hindi mo nakukuha. Mayroong emotional void sa iyong buhay na dapat mapunan. O kaya naman, naghahanap ka ng inspirayon, motibasyon o ng ayuda sa iba. Kung na-satisfy ang pagka-uhaw mo sa iyong panaginip, nagsasabi ito na mayroon kang kakayahan na magtagumpay at magawa ang iyong mga pangarap sa buhay.

Ang panaginip naman ukol sa naaalis na ngipin ay kabilang sa tinatawag na most common dreams. Ang ganitong panaginip ay maituturing na hindi lamang horrifying at shocking, kundi, ito ay nag-iiwan din ng hindi maganda sa iyong alaala. Isa sa teorya ng ganitong uri ng bungang-tulog ay ukol sa agam-agam ukol sa iyong itsura at kung ano ang pananaw sa iyo ng iba. Mayroon din namang scriptural interpretation ukol sa bad o falling teeth na nagsasaad na inilalagay mo ang iyong faith, trust, at beliefs sa iniisip o sasabihin ng mga tao, imbes na sa word of God.

Ang Bibliya ay nagsasabi rin na ang Diyos ay nakikipagtalastasan sa atin sa pamamagitan ng panaginip o vision upang maitago ang pride mula sa atin, upang mailayo ang mga tao sa hukay, upang mabuksan ang ating mga tainga (spiritually), at upang magbigay babala at maitama ng landas ang mga tao. (Itutuloy)

 

 

About hataw tabloid

Check Also

SM Trabaho para sa Bayan JOBS 1

SM leads job creation with ‘Trabaho para sa Bayan: Job Opportunities Building Skills (J.O.B.S.)’

The quest for an empowered Filipino workforce accelerated as SM Supermalls, the Private Sector Advisory …

SB19 Puregold

Berde at Gento: Kasama na ang SB19 sa bigating OPM lineup ng Puregold

OPISYAL na kinompirma ng Puregold ang kolaborasyon nila sa Pinoy boy band na SB19 at talaga namang kinasabikan ito …

584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission  ng SM Foundation

584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission  ng SM Foundation

HINDI bababa sa 584 Bulakenyo ang nakinabang sa medical at dental mission na pinangunahan ng …

Kultura Feat Filipino Design Studio

The Filipino Design Studio: Proudly Made in the Philippines

Back and bigger than ever! Returning this May 2 to 9 at Mega Fashion Hall, …

Krystall Herbal Oil

Bitak-bitak na sakong dulot ng diabetes pinaghilom ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *