Ang Zodiac Mo (April 15, 2015)

00 zodiacAries (April 18-May 13) Ito ang tamang panahon sa pagsisimula ng bagong exercise routine.

Taurus (May 13-June 21) Kung may nagugustuhan kang cutie, bakit hindi mo siya yayain sa beach?

Gemini (June 21-July 20) Kailangan mong magbigay ng payo sa mga nangangailangan nito ngayon – bagama’t hindi naman nila hinihingi.

Cancer (July 20-Aug. 10) Alalahanin ang big picture kalaunan – kailangan mong busisiin ang pinakamaliliit na mga detalye sa iyong trabaho ngayon.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Isang tao ang lalapit sa iyo at magtatanong o magpapakilala at gugulatin mo sila sa iyong paglayo.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Huwag bibili ng bagay na iniisip mong gusto mo ngunit hindi mo naman kaya ang presyo.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang iyong sweet nature ay iyong mapapansin ngayon in a big way at makatutulong sa iyong pagpapatawad sa isang taong umaamin sa kanyang pagkakamali.

Scorpio (Nov. 23-29) Minsan, ang unconscious mind at ang conscious mind ay hindi nasa magkaparehong pahina.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Kung sa iyong palagay ay may mahalagang bagay kang dapat gamitin ngunit wala ka nito at wala ka ring pambili, bakit hindi ka muna mangutang?

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Payoff time na sa opisina. Ngunit huwag hihingi ng umento sa sahod.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Ngayon, maghanap ng bagay na wala kang alam at magsimulang alamin ito.

Pisces (March 11-April 18) Kailangan mo nang maglinis. Simulan ang paglilinis at ibasura ang mga lumang hindi na kailangan.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Hayaang makapasok ang sikat ng araw. Maaaring dati kang hukom sa iyong nakaraang buhay, ngunit hindi ka dapat mapatigil nito sa paggawa ng mga pagbabago.

 

ni Lady Dee