Friday , May 17 2024

Umaasa sa wala! Que pobrecita!

00 banat pete ampoloquio‘Yan ang predicament sa ngayon ng mahusay umarteng aktres na ‘to na minsa’y humataw sa paggawa ng sexy movies. Dahil sa gusto na niyang lumagay sa tahimik at feeling niya’y natagpuan na niya si Mr. Right, pilit niyang pinuprotekhan ang masalimuot na setup nila ng kanyang bagong karelasyon na feeling niya’y ideal mate nang maituturing lalo na’t single naman talaga ito at hindi nalalayo ang edad sa kanya.

Ang kaso, marami nga siya skeleton sa kanyang closet na buong akala niya’y hindi matutuklasan ng kanyang bagong karelasyon.

How so very pathetic!

Anyway, to make a long story short, nakarating na nga sa kanyang sana’y would be husband ang kanyang indiscretions.

No’ng kanyang libertine days (libertine days raw, o! Hahahahahaha!) kasi marami rin siyang nagawang nakapagtataas ng kilay na mga eksena at isa nga roon ay ang sexual relationship niya with this globally famous pugilist na after every mating session ay gibsona ng 1 million supposedly sa kanya.

Carry n’yo ‘yon? Hahahahahahahahaha!

Anyway, ang lalaking kanyang karelasyon ay meron din daw karelasyon na hindi nito uubrang iwanan dahil ito ang staunch supporter niya sa kanyang ‘career’, if you guys know the salient point I’m hinting at. Hahahahahahahaha!

Ang buhay talaga ng tao, masyadong complicated. Hahahahahaha!

Anyway, mabait naman sana ang aktres na ‘to. As a matter of fact, she is most giving and an ideal boss so to speak. As a matter of fact, a couple of years ago, she gifted her publicist with a brand new car.

A gesture of unmatched magnanimity that no movie actress has so far equalled.

Ang problema nga lang, hindi siya naging discreet sa kanyang mga ‘eksena’ kaya kumalat ang mga behind the scene chorvahan niya with some personalities in the business.

How so very sad!

MARCO MASA, A NEW CHILD PRODIGY IN THE BUSINESS

Speechless kami ng bff kong si Peter Ledesma sa ganda nang pagkakagawa ng direktor na sina Darnel Joy Villaflor at Francis Pasion sa latest offering ng Dreamscape Entertainment Television na Nath- aniel featuring the newest child prodigy in the business Marco Masa.

Last Sunday, the press were given the chance to see the first five enthralling episodes of the soap at the Trinoma Cinema 7.

Sa totoo lang, agaw-eksena ang pagganap ng young actor na si Marco Masa at hindi talaga nagkamali ang Dreamscape sa pagkuha sa kanya to spice up the soap.

Not to be outdone, lovely Shaina Magdayao, along with Gerald Anderson, gave a moving performance.

Dahil sa intense portrayal niya ng kanyang role, lalo na’t napakahusay rin ni Gerald Anderson, di namin namalayang umiiyak na pala kami in most of their pivotal scenes together.

Predictably so, Benjie Paras never disappoints.

Biglang surrogate father ni Nathaniel ay napakahusay talaga niya at simpleng-simple kung umarte.

In a way, bagay na bagay silang mag-asawa ni Pokwang dahil complementary namang tunay ang kanilang personalidad.

Suffice to say, agaw-eksena ang matriarch role ni Coney Reyes na may touch of her role in the top-rated soap 100 Days to Heaven. ‘Yon nga lang, mas intense at a touch diabolical ang kanyang delineation ng kanyang role bilang head ng isang company na ang goal ay gawing materialistic ang mga tao to the extent na nakalilimutan na nila ang Diyos.

Meaty rin, in a way, ang role ni Isabelle Daza bilang the other woman.

Inasmuch as Shaina and Gerald are already separated and, concomitantly, are leading separate lives, Paul, Gerald’s role in the story, just could not make his relationship with Isabelle’s character official. They would meet from time to time on the sly, much to the palpable consternation of Isabelle who feels that she deserves a modicum of legitimacy.

Pero ang nakabibilib talaga ay ang ethereal delineation ni Marco Masa ng kanyang role bilang Nathaniel na talaga namang kakaiba ang dating.

Do watch for Nathaniel on April 20 at the timeslot presently being occupied by Dream Dad.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

 

ni Pete Ampoloquio, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *