Istorya ng batang Pacquiao ilalabas na sa mga sinehan

ni James Ty III

041015 buboy villar pacman kulafu

MAPAPANOOD na sa ilang mga sinehan simula Abril 15 ang isang pelikulang tumatalakay sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao noong siyaโ€™y isang batang boksingero sa General Santos City.

Kid Kulafu ang naging unang moniker ni Pacquiao sa lona at ito rin ang pamagat ng pelikulang idinirek ni Paul Soriano at bida ang batang aktor na si Buboy Villar.

Kasama rin sa pelikula sina Cesar Montano bilang tiyuhin ni Pacquiao na si Sardo Dapidran at Alessandra de Rossi bilang ina ni Pacquiao na si Dionisia.

Ang pagpapalabas ng pelikulang ito ay tamang-tama dahil malapit na ang susunod na laban ni Pacquiao kontra Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 3 sa Las Vegas.

Ang Kid Kulafu ay handog ng Star Cinema Productions, Inc.