Thursday , June 25 2026

Dream Dad, tinapos na para bigyang-daan ang Nathaniel

111514 dream dad abs-cbn

00 fact sheet reggeeFINALLY ay ibinigay na ni Alex (Beauty Gonzales) ang matamis niyang OO kay Baste (Zanjoe Marudo) kaya naman sobrang saya ni Baby (Jana Agoncillo).

At dahil halos lahat ay masaya na ang characters sa Dream Dad tulad nina Ketchup Eusebio na napasagot na rin si Katya Santos (Precious) at sina Yen Santos at Guji Lorenzana na lang ang may problema na kailangang ayusin ay iisa ang hula ng lahat, patapos na ang serye.

Akala namin ay extended ito, ”hanggang April 17 na lang po ang ‘Dream Dad’,” sabi ng taga-Star Cinema.

Akala namin ay aabutin pa ng Mayo dahil nga mataas ang ratings at maraming ads na pumapasok.

Pero sitsit naman sa amin ng taga-ABS-CBN ay pinatapos na raw talaga ang Dream Dad dahil papasok na ang Nathaniel nina Gerald Anderson at Shaina Magdayao at ang Pangako Sa ‘Yo na pagbibidahan naman nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Bukod dito ay humingi na rin ng bakasyon si Zanjoe para makasama raw ang girlfriend niyang si Bea Alonzo dahil matagal-tagal na rin daw silang hindi nakapagba-bonding dahil wala silang panahon sa isa’t isa.
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …