This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
Marami talaga ng nagulat nang isara ang ilang pangunahing kalsada sa Intramuros.
Talaga namang napapamura ang mga taxi driver at iba pang motorista lalo na ‘yung hindi kabisado ang Intramuros dahil kung saan-saan pa sila napapaikot.
Pero ang higit na nakabubuwisit, ‘yung ini-repair na kalsada, Muelle del Rio sa gilid ng Pasig River ay hindi nagagamit o nadaraanan dahil hindi nawawala ang baha sa ilalim ng paanan ng Jones Bridge.
Ang road repair na ‘yan ay ginastusan nang milyones at ilang buwan nang natapos pero hindi madaanan dahil nga sa baha.
Ito po ‘yung nasa likod ng National Press Club at katabi lang mismo ng pump station ng Flood Control ng Department of Public Works and Highways (DPWH) pero under the supervision of Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
What the fact?!
Ano ba ang balak ng MMDA d’yan sa baha na ‘yan?! Ipahigop sa Malacañang?
Paging Chairman Francis Tolentino! Pakisilip ang baha sa Muelle del Rio!