DOJ sinupalpal ulit si Mison

mison de limaSUPALPAL to the maximum level ang tinanggap ni Bureau of Immigration (BI) Comm. Siegfred ‘serious dishonesty’ Mison matapos i-DENY ng Department of Justice (DOJ) sa pamamagitan ng ipinalabas na Department Circular No. 001 dated 5 January 2015, ang kanyang ini-request na reconsideration sa naunang lumabas na DOJ Circular No. 27 noong 2014 na humihingi siya ng: (1) For BI to be given exclusive authority to file or initiate administrative cases against Bi employees, conduct preliminary and formal investigation; (2) To include a provision that final and executor decisions rendered prior to DOJ Department Order No. 27 are likewise ratified and recognized as Operative Facts.

Nakita n’yo naman kung gaano ang pagpupumilit ni Comm. Mison na talagang makasuhan niya ang mga empleyado ng Bureau.

Naalala ko pa noong kauupo pa lang sa puwesto sa Immigration nitong si Miswa ‘este Mison, ating natatandaan na nagkaroon siya ng isang heart to heart ek-ek talk sa mga Immigration Officers ng BI-NAIA at sinasabi niya na ang plano niya para sa lahat ng empleyado ay maging isang ama.  At bilang isang ama (etchos!?) ay wala raw siyang hinangad kundi ang mapabuti at mapagaan ang kalagayan ng kanyang mga anak?!

Anak ng tupa! Hanep!

Showbiz na showbiz ang arrive ni lolo ah!?

So nasaan na ngayon ang sinasabi niyang siya ay magiging ‘ama’ sa kanyang mga anak at upang mapagaan ang kanilang buhay?

Orocan ka ba o Tupperware Mr. Mison!?

‘E ayan na ang maliwanag na pruweba!

Lumabas na ang sagot. Nag-file ka pa pala ng Reconsideration sa DOJ Circular No. 27.

Ang DAAN PARA PAGSISIBAKIN MO ANG MAKURSUNADAHAN MO DIYAN SA BUREAU!?

Ang plastik ‘di ba!?