Santambak na bagman ng MPD-Intel (Anyare Kernel Nana!?)

NANASOBRANG sipag daw ngayon ng mga tulisan ‘este’ pulis sa pag-iikot ng mga operatiba ng Manila Police District(MPD) sa ilalim ni district director S/Supt. Rolly Nana.

Panay ang ikot at hukay ng mga ‘trabaho’ lalo na sa bisinidad ng Tondo na binansagang Intelihensiya group ng MPD.

Isang alyas TATA HATCHIN at TATA OKA ang hataw sa pangongolektong para sa MPD-INTEL HQ.

May sarili rin bagman ang isang opisyal na alyas Kernel Anghel-Demonyo na kumokolektong din sa kalakhang Maynila.

Hindi pa kasama riyan ang mga import na bagman mula raw sa Presinto Dos.

Hindi raw gaya rati na isang bagman lang ang Intel ng MPD!

Ano ba talaga Kernel Nana!?