Monday , August 15 2022

Airport police-LRS nagpaliwanag sa kaso ng umano’y binugbog na building attendant

APD

00 BulabuginKUNG natatandaan po ninyo, naikolum natin ang tungkol sa umano’y pambubugbog umano sa isang ‘pobreng’ building attendant ng ilang kagawad ng Airport Police Department (APD) na nakatalaga sa Light Reaction Security (LRS).

Sa impormasyon na nakalap ng Bulabog boys natin sa NAIA at mula mismo sa bibig ng mga kasamahan ng biktima, ‘kinalawit’ umano ng mga miyembro ng APD-LRS si BA Bero sa Arrival Curbside ng NAIA Terminal 1 isang araw ng Sabado (Jan 3) ng umaga.

Ang mga BA ay service provider doing dirty jobs at the airport wearing red shirts. Ang dahilan kung bakit ‘dinakma’ si BA Bero ay inakusahan umano na ‘namamasahero’ sa lugar kung saan siya inaresto.

Nagpaliwanag sa inyong lingkod ang mga kagawad ng APD LRS na HINDI totoong sinaktan nila si BA Bero.

Si Bero ay ini-rescue ni Mr. Ronald Rellama, ang group leader ng BA Outside Area sa APD-LRS Headquarters na matatagpuan sa ilalim ng Arrival/Departure Fly-Over.

Pero ipinagtaka natin kung bakit siya ‘sinibak’ sa kanyang trabaho.

Kaya naman ang ginawa natin ay nagtanong-tanong tayo sa NAIA at natuklasan natin na si Bero ay may bad history ng pang-aabuso.

Si Bero ay natuklasan nating pasaway at abusado. Ang kanyang paulit-ulit na pang-aabuso ay ilang beses nang pinuna pero hindi nagbabago ang tigas ng kanyang ulo.

Natuklasan natin na kahit naka-duty si Barog ‘este Bero, siya ay ‘namamasahero’ at mas madalas ay ‘nanghihingi’ sa mga pasahero.

SONABAGAN!!!

Kaya naman pala gumamit pa ng sino-sinong tao para makaganti sa APD-LRS pero mabuti na lang at nasa tamang wisyo ang mga airport police na humuli sa kanya.

Sa mga airport pulis-LRS na ‘napitik’ natin at bumaba ang moral, humihingi po tayo ng paumanhin. Tao lang po…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply