Parangal para kay PO3 Juvy Jumuad ng PNP-QCPD now na!

suspect killed by juvy jumuadAYAW natin ng human rights violation at lalong hindi tayo natutuwa na mayroong suspect na napapatay dahil sa pang-aagaw ng baril…

Pero mas hindi natin gugustuhin na mabaril at mapatay ng isang pusakal na holdaper/rapist at killer din ng isang Koreana ang isang babaeng pulis na ipinagtanggol ang kanyang sarili laban sa kriminal na nang-aagaw ng baril.

Dead on the spot si Mark Soque na ang suspetsa ng pulisya ay nawala ang isip sa katinuan dahil sa patong-patong na kasong kinakaharap sa piskalya.

For inquest proceedings ang suspect nang mangyari ang insidente.

Alam nating mayroong magsasalita laban sa insidenteng ito, gaya ng CHR, pero puwede ba, parangalan muna natin si PO3 Jumuad?!

Itaas naman natin ang moral ng isang babaeng pulis na muntik pang mahagip ng unang bala dahil sa pang-aagaw ng baril ng suspek na si Soque.

Kay PO3 Juvy Jumuad, saludo kami sa iyo!