Wednesday , August 10 2022

Kampanya vs ‘Pirata’ pinaigting pa ng NBI Bilang pagpapalakas sa IPOPHL

NBI piracyNATUTUWA tayo sa kampanyang inilulunsad ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI)-IPR UNIT laban sa mga ‘piratang’ malalakas ang loob na mamugad sa bansa at patuloy na nagpapakalat at nagbebenta ng iba’t ibang klaseng pekeng produkto.

Ang kampanya ay bahagi rin ng suporta sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL).

Kamakailan nga lang ay sinalakay ng mga tauhan ni Atty. NELSON LALUCES, hepe ng National Bureau of Investigation – Intellectual Property Rights (NBI-IPR) ang mga area sa Binondo, Baclaran, Pasay City na pinamumugaran ng mga nagbebenta ng pekeng signature pants, sapatos gaya ng Nike at marami pang iba.

Hindi naman tayo racist, pero nalulungkot tayo na karamihan ng mga nahuhuli ng NBI-IPR ay pawang Chinese nationals na s’yempre nabibisto rin na illegal aliens na tax evader pa.

Kung hindi tayo nagkakamali nitong nakaraang taon (2014) ay natanggal na ang Philippines sa USTR Special 301 Watch List in 2014. Isa itong manipestasyon na ginagawa ng mga awtoridad ang kanilang tungkulin upang mapatatag ang imahe ng bansa na kumikilala at iginagalang  ang intellectual property rights.

Kaya naman talagang puspusan ang kampanya nina Atty. Laluces base sa instruction ni NBI director VIRGILIO MENDEZ laban sa mga pirata.

Ang pamemeke ay isang uri ng pagnanakaw hindi lang sa kompanyang gumagawa ng pinepekeng produkto kundi sa kabuuan ng ekonomiya ng bansa.           

Nagbanta rin si Atty. Laluces sa mga naka-‘TONGPATS’ sa mga negosyanteng Tsino na mamemeke.

Babala po ‘yan sa lahat, mula sa mga opisyal ng pamahalaan na nakikisangkot sa maling gawain na ito hanggang sa ilang taga-media na mahilig umarbor sa mga huli ng NBI.

Mabuhay ka, NBI Atty. Nelson Laluces!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply