Sunday , August 14 2022

Sino ang papalit kay Ms. Grace Pulido-Tan sa COA?

COA replacementWALA pang lumulutang na mga pangalan kung sino ang susunod sa nag-retirong chairperson ng Commission on Audit (COA) na si Ms. Grace Pulido-Tan.

Kung sino man ang susunod kay Ms. Pulido-Tan, na nakatakdang magsilbi sa loob ng pitong (7) taon, tinitiyak natin na ang unang kata-ngian ay mapagkakatiwalaan  at kinakailangang tapat sa Aquino administration.

Ito ang rekesitos na kailangan ng administrasyon ni PNoy lalo na’t hindi pa sila nakatitiyak kung ang kampo pa rin nila ang magwawagi sa 2016 elections.

Hindi ba’t d’yan maraming sumasabit kapag wala na sila posisyon?!

Nabubusisi ang libro de cuenta at doon nakikita kung paano ginamit ng isang administrasyon ang pondo ng bayan.

Malamang, kung hindi sa Balai ‘e sa Samar Group kunin kung sino man ang papalit kay Ms. Pulido-Tan.

Iba na kasi ang politika sa bansa ngayon. Kung noon ay bulok, ngayon ay bulok na bulok na bulok na bulok na…

Nagnanaknak na ang kultura ng venganza sa hanay ng mga politiko. Hindi lamang pagtataas ng bandera ng mga partido politikal ang pinaglalabanan ngayon sa pag-upo sa Malacañang kundi maging ang venganza at pagpapakulong sa sinusundang presidente.

Hindi na tayo magtataka kung dumating ang panahon na ang mga politiko ay takot nang tumakbo sa pagka-presidente (gaya sa Belgium at France) dahil alam nila na sa pagtatapos ng kanilang termino sila ay kakasuhan at itatapon sa kalaboso.

Kaya hindi na tayo nagtataka kung maniguro ang administrasyon ngayon kung sino ang iuupo nila sa COA at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan na krusyal ang gagampanang papel para matiyak na sila ay ligtas sa ano mang asunto kapag wala na sila sa puwesto.

Again, this is Philippine politics.

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply