Saturday , November 27 2021

Sandamakmak na nga ba ang ‘ill-gotten’ o ‘hidden wealth’ ng anak ni Mang Badong? (Attn: Ombudsman)

mison extravagantHINDI yata alam o hindi yata naririnig ni Immigration Commissioner Mison na halos panghimagas na siya ng mga empleyado sa BI sa umaga at tanghali, sa hapunan at maging sa mga coffee shop.

At ‘yan ay dahil daw sa kanyang hindi ‘maipaliwanag na kayamanan’ na lumabas sa isang pahayagan last week.

Hindi maipaliwanag dahil hindi sila sigurado kung deklarado ba ang lahat ng mga iyan sa iyong Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), Commissioner Miswa ‘este Mison.

Paki-check na nga itong madalas nating marinig sa mga taga-Immigration Justice Secretary Leila De Lima, Internal Revenue Commissioner Kim Henares at Madam Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ayon sa EXPOSE ng isang kolumnista, ibang klase talaga ang lifestyle ni Commissioner Mison.

Tatlo umano ang bagong sasakyan ni Mison na kung minsan ay sabay-sabay pang ipinaparada sa Immigration main office gaya ng 2014 Toyota Landcruiser, 2013 Hyundai Starex at 2015 edition na Toyota Hilux pick-up.

Hindi pwedeng ipagkaila ni Mison ‘yan dahil maraming BI employees ang nakikita siya na gamit ang mga luxury vehicle na ‘yan.

Bukod sa mga sasakyan na ‘yan, mayroon din umanong malawak na kabukiran (farm) si Mison sa Tagaytay at sa Bataan.

Gaya rin pala siya ni Vice President Jejomar Binay na mahilig mag-farming!?

Ang mga alagang hayop ni Commissioner Mison sa kanyang farm ay kakaiba dahil imported lahat gaya ng baka, tupa at usa.

Kakaiba ka pala talaga, Commissioner, mahilig ka pa pala sa mga imported na animals.

Totoo rin ba na bagman ‘este mali’ trusted man mo ang isang Russel Manguiat na Alien Control Office ng Batangas Sub-port?!

Iyang si Russel umano ang nakaaalam kung paano mo nasungkit ang iyong napakalaking farm sa Tagaytay.

Napakasuwerte mo naman Sir Fred!

By the way, may kumakalat na tsismis na mayroon pang bagong-bagong bahay sa Acropolis – isang posh subdivision sa QC si Mison.

Kung hindi rin tayo nagkakamali, very vocal ka raw sa iyong inner circle na plano mong tumakbo bilang kongresista sa Bataan.

Aba, kung may political ambition ka Mr. Commissioner, dapat ka nang mag-ipon ng maraming kuwarta at mag-resign ka na rin sa BI para hindi ka maparatangan na nagfa-fund raising?!

Pero kung totoo ‘yang mga kuwentohan na ‘yan at hindi mo naideklara sa iyong SALN, aba Commissioner, mukhang may kailangan ka talagang ipaliwanag sa Ombudsman.

Hindi ba’t minsan ka nang naireklamo sa Ombudsman dahil sa DISHONESTY? Buti na lang at “REPRIMAND” lang ang ipinataw sa iyo.

‘Pinagalitan’ ka lang ng Ombudsman dahil sa DISHONESTY na maging ‘yung gamit ninyong gasolina sa inyong household at parking fee ay naka-charge sa iyong opisina?!

Suwerte mo naman, Commissioner at napagsabihan ka lang ng Ombudsman, kung hindi ay hindi ka na nakaupong Immigration Commissioner.

Ni hindi man lang ba ipinaalala sa iyo ni Daddy ang: “Section I, Article XI of the 1987 Constitution provides that “public officers must, at all times be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and lead modest lives.”

At ‘yung Section 4 of Republic Act 6713, or the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, also provides that “public officials and employees and their families shall lead modest lives appropriate to their positions and income. They shall not indulge in extravagant or ostentatious display of wealth in any form.”

Tsk tsk tsk…

Kung hindi mo naisasabuhay ang mga batas na ‘yan, Commissioner Fred bilang public servant, tiyak na magagalit sa iyo si Mang Badong!

Ano nga ‘yung sinasabi mong: “good guys in, bad guys out”!?

Pwe!!!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Maam Evelyn 2

A heartfelt message for JSY

Before I start, I am speaking on behalf of my mom from her perspective, in …

Sir Jerry Yap JSY Gloria Galuno Mommy Glo

Memories with JSY

“LET us always find opportunities to be with the people we value the most. Life …

Jerry Yap, JSY, Hataw

Maraming salamat, JSY!

HARD-HITTING columnist, isa sa pinakamahusay na boss at leader, mabait na kaibigan, kapatid, ama, padre …

Bureau of Immigration

Pagbubukas ng turismo pinaghahandaan na ng BI

BULABUGINni Jerry Yap NAGHAHANDA na ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) sa pagbubukas ng …

Jaime Morente Bureau of Immigration

‘Bogus’ na intel agent/s binalaan ni Morente

BULABUGINni Jerry Yap NAGBABALA si Commissioner Jaime Morente tungkol sa mga nagpapakilalang ahente o awtoridad …

Leave a Reply