This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
May binabalak ba ang Palasyo na mag-reshuffle sa gabinete?
Naitanong natin ito dahil may ilan opisyal ng gobyerno ang magreretiro sa serbisyo na kailangan mapalitan ng mga qualified na mga opisyal gaya sa Comelec, Commission of Audit, at Civil Service Commission.
At tiyak magkakaroon ng balasahan among government official.
Maraming usapan na ililipat na ba sa ibang ahensiya sina Kim Henares ng BIR, Justice Secretary Leila de Lima at si John Sevilla ng Bureau of Customs?
Hindi po natin sure kung saan sila malilipat, pero sa Bureau of Customs may balita na mayroon dalawang deputy commissioner ang maaaring ipalit kay Commissioner John Sevilla.
May umuugong din na isang Mamba ang posibleng malagay dito dahil bata raw ito ng Palasyo.
Personally, hindi po natin wish na mapalitan pa si commissioner John Sevilla sa customs dahil marami na rin naman siyang nagawang pagbabago sa sistema at kalakaran sa Bureau of Customs.