Tuesday , November 30 2021

Mga kolek-tong na ginagamit si Sec. Mar Roxas para sa 2016 Fund Raising?!

122914 mar roxasHINDI pa man, kinakaladkad na ng ilang SCALAWAG sa Philippine National Police (PNP) ang pangalan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang kanyang pangalan sa mga shabuhan, putahan, sugalan at maging sa bagsakan ng mga nakaw.

Isang ‘bulldog’ na animo’y nakawala sa kulungan na kung tawagin ay alyas MAJOR TARA-YO, isang P-O-2-10 Niño ng PNP-SPD at isang pulis hao-shiao Aspeleta ang walang humpay sa kaiikot at kagagamit ngayon sa pangalan nina Sec. Mar, PNP OIC Gen. Leonardo Espina at Gen. Henry Ranola para sa pangangalap ng kolek-TONG sa Metro Manila partikular sa South Metro.

Sila umano ang inaatasan para makalikom ng pondo para kay Secretary Mar para sa 2016.

Kung totoo man ‘yang pinaggagawa nina alyas Major Tarayo, PO2-10 Niño at pulis-pulisan Aspeleta aba ‘e kaiingat sila kay Madam Koring.

Ayaw na ayaw niyang binubukulan ‘este ginagamit ang pangalan ng kanyang waswit sa pangongolek-TONG!

Mga tinamaan kayo ng mga diyos ng shabuhan, sugalan, putahan at bagsakan ng mga nakaw… kaiingat kayo kapag si Madam Koring ang nakatiyempo sa inyo.

Tingnan natin kung uubra kayo sa ingay este sa taray ng misis ni Secretary Mar.

Inuulit ko lang po, Secretary Mar, ipabusisi po ninyo ang tatlong itlog na ‘yan at t’yak may lulutang pang mas bigtime…

Aabangan po namin ‘yan!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Dianne

JSY: The authentic Mr. Bulabugin until his death

GOOD evening, Everyone. My name is Diane, and I’m the daughter of Jerry Yap. I …

Sir Jerry Yap JSY Almar Danguilan Family

Thank you JSY for being big time suki of Gardenera

ni Almar Danguilan KUNG isa-isahin ang mga kabutihan na naibahagi ni Boss Jerry sa akin …

Sir Jerry Yap JSY Maam Evelyn 2

A heartfelt message for JSY

Before I start, I am speaking on behalf of my mom from her perspective, in …

Sir Jerry Yap JSY Gloria Galuno Mommy Glo

Memories with JSY

“LET us always find opportunities to be with the people we value the most. Life …

Jerry Yap, JSY, Hataw

Maraming salamat, JSY!

HARD-HITTING columnist, isa sa pinakamahusay na boss at leader, mabait na kaibigan, kapatid, ama, padre …

Leave a Reply