Thursday , December 9 2021

4M lobby money ng ismagel na paputok sa AoR ng Onse

122914 anonuevoALAM na kaya ni Kernel Anonuevo ang bagong district commander ng MPD-PS-11 na may umikot na 4 na milyon lobby money para makapaglatag ang isang Chinoy na alyas ANTHONY ng kanyang mga smuggled na paputok sa kanyang area of responsibility!?

Kaya naman lahat ng uri ng malalakas na imported na paputok ay mabibili na ninyo sa kalye ng Claro M. Recto, Elcano St., Juan Luna St., M. Dela Fuente St., at Soler St., sa Binondo, Maynila.

‘Yan ba ang tinatawg na total ban sa mga malalakas at ismagel na paputok!?

Sonabagan!!!

Ang behind story Kernel Anonuevo, umatras daw ang original na ismagler at naglalatag ng imported na paputok na si VICENTE dahil sa laki ng tara na hinihingi ng isang bagong nagpapakialalang bagman ng ‘ONSE na si alyas POT-TRES ‘PASANG’ KRUS?

Ilan lehitimong dealer ng fireracker mula sa Bocaue, Bulacan ang umaangal dahil ang ismagel na paputok ni Anthony ay bagsak presyo sa Binondo, Maynila.

Obligado rin ang mga vendor na magtinda ng imported na paputok dahil kung local -made na paputok ang kanlang ibebenta ay puro huli ang aabutin nila!

MPD D/D S/Supt. Rolly Nana, totoo ba na kinitatakutan daw ang bagman na si POT-TRES KRUS ng mga nagiging station commander sa MPD?

Dalawa na raw kasing station commander ang napasibak niya dahil hindi pinagbigyan ang inaarbor na shabu pusher?

Aba’y kung tototo ito Sir, kaingat lang at baka kayo na ang sumunod na mabiktima ni POT-TRES KRUS?!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Sir Jerry Yap JSY

MARAMI na akong nabalitaang uri ng pagpatay, pero hindi ko akalain na sa ganitong panahon …

Sir Jerry Yap JSY Hataw

Isang alaala ng walang pag-iimbot na pagtulong

ISANG alaala na hindi ko makalilimutan habang ako ay nabubuhay ay nang magkaroon ako ng …

Sir Jerry Yap JSY Percy Lapid

True friendship lasts forever

MAGANDANG gabi po sa inyong lahat. Una ko pong nakilala si Jerry Yap, sa katotohanang …

Leave a Reply