Thursday , June 4 2026

OWWA maasahan ba talaga?

sundot kalikot logoISA sa dapat pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno ay kung ano ang napapakinabangan  ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na kung titingnan ay puro lang yata press release at walang magandang rating ang kanilang serbisyo.

Sila na rin mismo ang nagsasabi na ang ating OFWs ay matatawag na buhay na bayani dahil milyon-milyong dolyares ang iniaakyat sa kaban ng ating bayan.

Diretsahin na natin, ang OWWA ay magaling lang mangolekta pero pagdating sa serbisyo, sa pangangailangan ng kanilang miyembro, aabutin nang siyam siyam.

Ang inyong lingkod na isa rin miyembro ng OWWA magmula nang bumalik tayo sa Filipinas noong 1983, ang ating naihulog na kontribusyon ay hind man lang lumagapak sa palad natin.

Samantala kayo na nandiyan sa OWWA ‘e ang gaganda ng mga gamit pang-opisina ninyo pati mga muwebles na ang ipinambili ay galing sa pinagpaguran ng ating kababayang OFWs.

Pero kung hinihingi nila ang para sa kanila ay kung ano anong mga papeles ang hinahanap ninyo na sa totoo lang mahirap i-produce ng kawawang kababayan natin.

Sa inyo na rin nanggaling na maaring magtayo ng kooperatioba ang mga OFW at nakahanda kayong tumulong ngunit kabaligtaran ang sinasabi ninyo.

Kailangan hanapin pa sa iba’t ibang planeta ang inyong hinihinging rekisitos na kahit kayo ay mahihirapan bago makompleto.

Ganyan kayo katalas sa OWWA!

Sana balang araw ‘e makonsenya kayo na tulungan nang tunay ang OFWs kaysa magbulag-bulagan at magbingi-bingihan diyan sa inyong malamig na opisina.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …