Ang Zodiac Mo (Nov. 27, 2014)

00 zodiacAries (April 18-May 13) Pupurihin ka sa maayos mong trabaho. Madaragdagan ang paghanga nila sa iyo.

Taurus (May 13-June 21) Ang iyong pagnanais para sa advance education at matuto ng bagong skills ang makatutulong sa iyo patungo sa bagong direksyon.

Gemini (June 21-July 20) Maaaring mabighani ka sa taglay na karisma ng bagong kakilala bagama’t ikaw ay committed na.

Cancer (July 20-Aug. 10) May darating na hindi inaasahang imbitasyon kaugnay sa social event.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Plano mo bang mag-alaga ng pet? May darating na cute na aso o pusa na magdaragdag ng saya sa iyong buhay.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Isang kaibigan ang magmumungkahing lumahok kayo sa bagong proyekto.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Magigising kang masaya ngayon kaya inspirado kang maglinis at maglagay ng mga dekorasyon sa bahay.

Scorpio (Nov. 23-29) Maaaring mabuksan ngayon para sa iyo ang bagong linya ng komunikasyon.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Maaaring mayroon kang talento sa aktibidad na hindi mo dating ginagawa, katulad ng mountain climbing o skydiving.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Magiging maswerte ka. Darating ang hindi inaasahang break na iyong ikauunlad.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Mayaman ang iyong imahinasyon. Marami kang maiisip na mga ideya.

Pisces (March 11-April 18) Ang plano n’yong magkakaibigan ay maaaring agad na maipatupad dahil sa inyong determinasyon.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Agad isulat ang maiisip na ideya dahil maaaring magamit mo ito sa iyong planong mga proyekto.

 

ni Lady Dee