Thursday , June 4 2026

Pacman binigyan ng Hero’s Welcome

112514 hero's welcomeGENERAL SANTOS CITY – Nakabalik na sa bansa kahapon si WBO welterweight champion Manny Pacquiao, isang araw makaraan manalo kontra sa American boxer na si Chris Algieri sa Macau, China.

Bago mag-5 p.m. lumapag sa GenSan International Airport ang sinasakyang eroplano ni Pacquiao.

Bukod sa mga opisyal ng Sarangani at GenSan, sumalubong din sa Filipino ring icon ang kanyang mga scholar at mga ordinaryong mamamayan para masilayan ang kanilang idolo.

May mga taga-Koronadal City din na fans ni Manny na sumalubong sa kanya.

Pagkaraan ay isinagawa ang motorcade mula sa airport hangang sa downtown area papuntang kapitolyo ng Sarangani sa munisipyo ng Alabel.

Katulad sa mga nakaraang hero’s welcome kay Manny, halos puno ng mga tao ang dadaanan ng motorcade para makita si Pacman.

Nakasuot si Pacman ng kulay brown na jacket sa pagbaba niya ng eroplano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …