Tuesday , January 18 2022

Mga MPD bagman nakikiramdam kay MPD DD S/Supt. Rolly Nana!

00 Bulabugin jerry yap jsyBINABASA at pinakikiramdaman pa raw ng mga BAGMAN COP ang bagong MPD district director S/Supt. Rolly Nana kung ano ang magiging diskarte ng ‘tabakuhan’ ng kolektong sa Maynila.

Kalakaran kasi na sa tuwing may bagong hepe ang MPD ‘e mayroon sariling trusted personnel na kanyang ilalagay sa juicy position sa MPD.

Kaya naman ang mga nagkalat na pulis-bagman sa MPD gaya nina alias BOY TONG WONG, SPO-TONG TONIO BONG CRUZ, SPO-TRES ROBLES ay nangangapa ngayon kung paano raw ‘mapapaligaya’ si DD.

Nagmo-monitor ang mga damuhong bagman sa MPD HQ baka kasi biglang magbago ang ihip ng hangin at magpa-bidding sa ‘pangkubahayan’ sa Kamaynilaan ang bagong district director.

At siyempre, kanya-kanyang pamato ang ibang mga nakapwestong pulis na hepe ng mga estasyon at PCP pati na ang kanilang mga enkargago ‘este’ enkargado.

Tama ba Major RIODECA, Insp. GUISIC at Insp. DINO?

Sabi nga ng ilang tulis ‘este’ pulis sa MPD, maswerte raw sila at pangiti-ngiti lang daw si DD pero galit sa mga pakaang-kaang at ‘yun mga mahilig sumipsip/umistambay sa city hall na mga police official.

Kernel Nana, tatalasan mo lang ang pakiramdam mo at baka masalisihan ka ng mga walanghiyang bagman diyan sa MPD!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply