Saturday , January 29 2022

Kanya-kanyang asset lang ‘yan! at VK ni Torre sa Pasay

00 aksyon almar

HULING – huli sa kanyang bibig si PNP chief, Police/Director General Alan LM Purisima, sa pagsasagot niya sa mga Senador sa isinagawang imbestigasyon laban sa mga akusasyon sa kanya.

Hindi nagawang bolahin ni Purisima ang mga Senador sa pangunguna ni Madame Grace Poe sa kanyang mga pangangatuwiran lalo na kay Senador Serge Osmena na prangkahang sinabihan si Purisima na kaduda-duda ang mga sagot niya partikular na sa donasyon para sa pagtatayo ng bagong white house na quarters para sa sinomang uupong PNP chief.

Higit na pinagdudahan at walang kredibilidad daw ang pangangatuwiran ng mama nang mas binigyan pa niya ng prayoridad ang pagtatayo ng white house kaysa para sa kalusugan ng mga pulis – tinutukoy dito ay sana binigyan prayoridad daw ni PNP chief ang pagsasaayos sa hospital ng PNP na nasa Kampo Crame.

Tama nga naman! Lamang, ba’t naman uunahin ang hospital samantala mga amigo naman ni Purisima ang mga nagpagawa. Oo nga naman. He..he…he… kanya-kanyang asset lang iyan. At gobyerno na ang magpagawa n’yan!

Ganito kaya ang naglarong katuwiran sa isip ni Purisima nang igisa siya sa Senado? Ano sa palagay n’yo.

Iyon nga lang nabutasan pa rin si Purisima. Kasi ang nangyari ay lumalabas daw na indirect bribery ang nangyari. Ilegal ang pagtanggap niya ng donasyon dahil hindi raw ito dokumentado. So, kasuhan ang mama! Meron na, kinasuhan na siya ng VACC sa Ombudsman. Ok gud ngarud! Hindi lang daw ito ang nakasampang kaso laban kay Purisima. May plunder din.

Hindi lang ang pagtatanggol ni Purisima sa white house ang ‘tinawanan’ ng mga Senador kundi maging ang pangatuwiran niya sa lupa’t mansyon sa San Leonardo, Nueva Ecija. Ang 3 hectares daw kasi na lupain ay binili lang niya ng P150,000 habang ang mansion ay nagkakahalaga lang daw ng P3.5 milllion na sa tingin ng mga Senador ay napaka-imposibleng ganoon lang ang presyo nito.

Pinagdudahan din ni Poe ang diskuwentong ibinigay kay Purisima sa binili niyang SUV Toyota Prado sa halagang P1.5 million habang ang presyo nito ay P5 million. Kaduda-duda nga ang diskuwento pero sabi ni Poe hindi naman daw kasalanan ni Purisima kung ganoon kalaking diskuwento ang ibinigay sa kanya.

Madame Poe, ano kaya kung inyong imbitahin sa Senado ang nagbenta – any representative from Toyota, ng Prado kay Purisima. Isalang at alamin kung bakit halos ipamigay na lamang nila ang sasakyan? Di ba mas okey iyon para magkaalaman kung talagang walang kapalit ang diskuwentong ‘yan.

Ipatawag din ang lahat ng nagbigay ng donasyon para sa white house para magkaalaman din kung sino-sino sila. Hindi kaya ang ilan sa donors ay may kakaibang negosyo na nangangailangan ng ‘proteksyon’ mula sa pangalan ni Chief PNP? Nagtatanong lang po.

***

E sino naman ang isang alyas “Pulis Dilat Torre” na ipinangalalandakang niyang marami siyang ‘binubuhay’ na mga opisyal ng PNP sa SPD, CIDG at sa Pasay City Police Station?

Ipinamamalita ng kampo ni alyas “Pulis Dilat Torre” na isang VK KING sa Pasay City na walang puwedeng makapagpatitigil sa kanyang operasyon dahil sa maraming opisyal ng PNP ang nakikinabang sa kanya.

Mukhang totoo yata ang info na ito. Bakit? Kasi hanggang ngayon ay hindi kumikilos ang SPD, Pasay Police at CIDG laban sa operasyon ng VK ni alyas “ Pulis Dilat Torre” sa Pasay.

E si Chief PNP, kabilang kaya sa nakikinabang kay alyas “Pulis DilatTorre?” Ano sa tingin niyo? Hindi kaya isa sa poste ng white house ay pag-aari ni Pulis DilatTorre? Ang NBI, nabili na rin kaya ni alyas “Pulis Dilat Torre”?

***

Para sa inyong komento, reklamo at info, text lang sa 09194212599.

 

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Marc Cubales Jay Altarejos

Marc Cubales tuloy na tuloy na ang pagpo-produce; Finding Daddy Blake gigiling na

MA at PAni Rommel Placente PINASOK na rin ng aktor, model, enterpreneur at philantropist na …

Jayson Gainza Miles Ocampo

Miles at Jayson excited sa balik-taping ng sitcom sa GMA

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL sa mataas na ratings linggo-linggo, mas pinaganda at mas masayang …

Jackie Lou Blanco Ricky Davao

Jackie Lou kinabahan nang sampalin ni Ricky

RATED Rni Rommel Gonzales MIXED emotions si Jackie Lou Blanco nang kunan ang matinding eksena nila nina …

Dingdong Dantes Marian Rivera

Dong at Yan back to work na

I-FLEXni Jun Nardo BALIK-TRABAHO na ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayong nalampasan nila ang laban sa COVID-19 …

abs cbn

 ABS-CBN pinaghati-hatian na

I-FLEXni Jun Nardo PINAGHATIAN na ang iba pang broadcast frequencies na hawak dati ng ABS-CBN. Unang …

Leave a Reply