Saturday , January 29 2022

City hall at NCRPO bagman SPO-tres Robles pinag-report kay MPD DD Gen. Asuncion?

00 Bulabugin jerry yap jsy‘YAN ang malaking tanong ng ilang mga katoto natin sa MPD PRESS at pulis sa MPD HQ.

Ano kaya ang niluluto ‘este diskarte ni MPD director Gen. ROLANDO ASUNCION at ipinatatawag isa-isa ang mga bagman at kolek-tong cops?

‘Yun nga raw iba ay ginawa pang doorman sa kanyang opisina gaya nina alias BOY TONG WONG, POT-RES TONIO BONG CRUZ, NEIL MANLAMAS. Pero tuloy pa rin ang koleksyon sa mga tabakohan sa Kamaynilaan?!

Ang pinakahuling nag-courtesy call o ipinatawag ay ang nagpapakilalang NCRPO at city hall bagman na si SPO-TRES ROBLES.

Naalarma raw kasi si Gen. Asuncion, na makalawit ng bagong task-force at counter intelligence ng DILG/PNP laban sa mga kotong cops sa kanyang area of responsibility (AOR).

Paano naman si ‘EDI?’ Tanong pa raw ng isang opisyal kay bagman BOY TONG WONG.

At doon na papasok ang ‘tara’ para kay Sir?

Kwento pa ng isang bagman na ipinatawag ‘e abono pa raw siya ng 20k-40k kada linggo para kay Sir?!

Sonabagan!!!

Kilala mo ba ‘yan Sir na abonado pa ‘yung bagman, Gen. Asuncion?

Anyway, si SPO-TRES ROBLES ay sikat na sikat ngayon ang pangalan sa Kamaynilaan kahit nakakabit ang pangalan n’ya sa ilegal na droga at sugal.

Bigtime na talaga ang lakad ni Robles, pa-casino-casino lang sa Solaire at laging gamit ang dalawang SUV n’ya na Fotuner at Montero!

SILG Mar Roxas, kailan mo paiimbestigahan si SPO-TRES ROBLES!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYA[email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply