ISA na namang TV host/actor ng Kapamilya network ang nasangkot sa eskandalo nitong weekend sa Taguig — si Billy Joe Crawford.
Noong una si Vhong Navarro na nabugbog dahil sa umano sa tangkang panggagahasa kay Denice Cornejo, tapos si Anne Curtis na nagwala sa isang bar sa the Fort at ngayon si Billy naman na pare-parehong sa Bonifacio Global City (BGC).
Hindi na bago sa atin ang balitang ito.
Hindi pa natin nalilimutan ang itsura ni Billy nang makita natin siya sa Boracay noong nakaraang Summer (May 2014) nang magkaroon ng party/show ang Vans #vansrocksboracay4.
Nag-post noon si KC Montero sa kanyang Instagram ng retrato ni Billy na tila nagho-host o nagra-rap pero halatang-halata ang nangingitim at malaking mata ni Billy.
Pinuna rin ang laki ng eye bag ng TV host. Mayroon pa ngang lumabas na komento na ganito: @jastori, He looks high im laughing; @vavavoomchie, The hairline & the eye bugs tho!; @jongie_myleen, Ma-tulog din Pag May time @billyjoecrawford.
Ibig sabihin, marami na ang nakahahalata na mukhang nasosobrahan sa pagpupuyat, o pag-iinom o iba pang napagkakatuwaang bisyo si Billy boy.
Matagal na nga nating hinahamon ‘yang group of artists sa Kapamilya network na magpa-drug test para ipamukha nila sa publiko na hindi sila involve sa ano mang masamang bisyo.
Gaya ng isang talent nila na nagtangkang tumalon sa SOGO hotel dahil may papatay raw sa kanya.
Aba ‘e pambihira ang ginawa ni Billy Crawford nang i-submit niya ang kanyang sarili sa pulisya for safekeeping dahil baka kung ano pa raw ang masamang bagay na magawa niya.
What the fact!? Ganyan na ba ka-paranoid si Billy!?
Ano bang tinira mo bata!?
Pero nang mainip dahil hindi pa siya ipinapasok sa loob ‘e bigla nang nagwala.
Ano ba ‘yun? Dr. Jekyll and Mr. Hide?
Unsolicited advice lang po sa Kapamilya network, alamin n’yo rin ang emotional at mental status ng mga artista ninyo.
E kapag sumama naman ang image ng mga ‘yan hindi n’yo na kukunin ang mga ‘yan ‘di ba?!
Tulungan n’yo rin sila na huwag maligaw ng landas.
Para naman happy talaga ang audience ninyo kapag showtime!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com