Wednesday , June 24 2026

Sunday All Stars, walang production value kaya talo sa ASAP

090414 sunday all stars asap

ni Roland Lerum

HINDI pa pala tumatapat ang Sunday noontime show ng GMA-7 sa kalaban. Kung 12:00 p.m.. nag-uumpisa ang ASAP, 1:00 p.m. naman ang Sunday All Stars. Bakit kaya?

Imbes tuloy na maglaban ng pagandahan ng show, natyope ang isa.

Akala ko ba nakadagdag-sigla ang pagpasok ng magpinsang Mark at Christian Bautista sa Siete? Pati ang anak ni Benjie Paras na si Andrei, nasa SAS na rin. Pero hindi ito marunong kumanta. Kaya paano ito tatanyag? Pang-pelikula lang siya!

Mahirap makahirit ang SAS sa ASAP dahil mas mayroong star power ang huli. Mayroon silang Martin Nievera at Gary Valenciano. Idagdag pa sina Zsa Zsa Padilla at Kuh Ledesma. At ‘yung mga young singer sa kanila gaya nina Jed Madela, Erik Santos, Angeline Quinto at iba pa.

Ang pwede lang ipagmalaki ng SAS ay sina Regine Velasquez at Jaya.  Kung tutuusin, palaos na si Jaya. Wala na si Ogie Alcasid at si Janno Gibbs nga lang ang natira, na habang lumalaon ay tila pumapanget ang boses! Dapat siguro, magdiskubre pa ng magagaling na singers ang SAS at huwag sobrang tipid, walang production value, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …

Anne Curtis

Anne Curtis sa 29 taon sa showbiz: mas relax at kampante

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MARAMING ipinagpapasalamat si Anne Curtis sa kanyang 29 taon sa industriya. Simula kasi …

Jhen Boles

Jhen Boles College Instructor II na

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang successful businesswoman/Philanthropist na si Jennifer Boles o mas kilala sa showbiz bilang Jhen …