Thursday , June 4 2026

P5-B CCT ‘di nakarating sa beneficiaries

IPABEBERIPIKA ng Palasyo ang ulat ng Commission on Audit  (CoA) na umabot sa P5 bilyon mula sa Conditional  Cash Transfer (CCT) program ang hindi maipaliwanag ng Philippine Postal Corp. (Philpost) kung nakarating sa mga benepisyaryo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Will verify,” matipid na tugon ni Communications Secretary Rene Almendras kung paiimbestigahan ng Malacanang ang Philpost.

Ang Philpost ang isa sa mga katuwang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa implementasyon ng CCT program para ipamahagi ang ayudang pinansiyal ng gobyerno sa mga pinakamahihirap na pamilyang Filipino sa buong bansa.

Bukod sa operasyon ng CCT, binatikos din ng CoA ang Philpost sa pamumudmod ng mga regalo, donasyon at pag-sponsor sa mga aktibidad ng simbahan at paaralan; pagpayag sa P1.085 milyon na sobra sa per diems para sa committee meeting; pagtaas ng sweldo ng postmaster general at kanyang assistant ng P1.68 milyon nang walang basbas ni Pangulong Benigno Aquino III; hindi awtorisadong pagbabayad ng P1.596 milyon performance-based incentive sa kanilang mga director; P1.79 milyon illegal subsidies sa car loans ng kanilang mga opisyal at director; at pagdoble ng bilang ng mga consultant sa 36 na nagresulta sa dagdag na P10 milyong bayarin mula noong 2012.

Ang Philpost ay pinamumunuan ni dating Bulacan Gov. Josie dela Cruz. (R. NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …