00 zodiac
Aries (April 18-May 13) Ang paglalaan ng higit pang panahon sa iyong pamilya ang dapat mong maging prayoridad ngayon.

Taurus (May 13-June 21) Ang iyong malakas na kutob ay iginagabay ka sa tamang direksyon – sundin ito.

Gemini (June 21-July 20) Ang iyong problema sa pera ay unti-unting humuhupa. Tiyaking pinagtutuunan mo ng pansin ang iyong mga bayarin.

Cancer (July 20-Aug. 10) Mainam ang araw ngayon para maging determinado sa mga gawain. Pakilusin din ang mga tamad sa iyong paligid.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Sa bagong sitwasyon ngayon, kaunting mainit na pagtanggap lamang ang iyong mararanasan.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Bago lumala ang mga problema, humingi ng suporta sa mga kaibigan. Hindi ka nila bibiguin.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang iyong routine ay maaapektuhan ngayon, ngunit sikaping sumunod na lamang sa agos.

Scorpio (Nov. 23-29) Ang mga bagay ay mainam ngayon – maaaring ramdam mo na ang pagdating ng iyong pangarap.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Sundin ang iyong mood at umaksyon agad ngayon – maganda ang magiging resulta nito.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ang mga bagong dumarating sa iyong social scene ay nagsisimulang magdulot ng komplikasyon. Mag-ingat.

Aquarius (Feb. 16-March 11) May hindi magandang enerhiya sa iyong pets – magtakda ng veterinarian appointment.

Pisces (March 11-April 18) Mas mahalagang mapanatili ang koneksyon sa mga taong mahal mo.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Mainam ang iyong pakiramdam, at mag-e-enjoy sa ano mang gawain ngayon.

Lady Dee