Thursday , June 4 2026

Gas station owner kumasa sa 4 holdaper 1 suspek patay

PATAY ang isa sa apat holdaper makaraan makipagbarilan ang may-ari ng gas station nitong Linggo ng gabi sa Toledo City, Cebu.

Nangyari ang insidente makaraan holdapin ng grupo ang isa pang gas station sa nabanggit na lugar.

Nabatid sa kuha ng closed-circuit television footage, unang hinoldap ng mga suspek ang isang gas station at nakakuha ng P7,000 cash.

Pagkaraan ay sumakay ang mga suspek sa dalawang motorsiklo at tinungo ang pangalawang gas station sa hindi kalayuan.

Ngunit inalerto ng gas station attendant ang may-ari ng pangalawang gas station na nakipagpalitan ng putok sa mga holdaper.

Isa sa mga suspek na kinilalang si Randy Jakosalem, dating security guard, ang tinamaan ng bala sa ulo.

Bunsod nito, mabilis na tumakas ang tatlo pang mga suspek.

Gayon man, tinamaan ng ligaw na bala ang isa pang gas station attendant.

Kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek, na ang isa ay sinasabing tinamaan ng bala.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …