Thursday , June 4 2026

Supply ng bilihin sa holiday season pinatitiyak ni PNoy

INATASAN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Department of Agriculture (DA) na tiyaking magiging sapat ang supply ng pangunahing mga bilihin sa panahon ng kapaskuhan.

Sinabi ni Agriculture Sec. Proceso Alcala, partikular dito ang karne ng manok, baboy at gulay na karaniwang nagkakaroon ng abnormal na kakapusan ng supply.

Ayon kay Alcala, ito rin ang idinadahilan ng mga nagbebenta sa kanilang pagtataas sa presyo ng naturang agricultural products.

Samantala, kinontra ni Alcala ang pahiwatig ng mga nagbebenta ng bigas na nakaamba ang pagtataas sa presyo ng bigas sa Oktubre.

Inihayag ni Alcala, wala dapat mangyaring paggalaw sa presyo ng bigas dahil ang Oktubre ay panahon ng anihan.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …