Sunday , May 19 2024

Sam, inaasam-asam pa rin si Anne

082814 anne curtis sam milby

ni Roland Lerum

PANAY pa rin ang palipad-hangin ni Sam Milby kay Anne Curtis kahit alam na nga niyang may Erwan Heussaff na ito.

Kunsintidor naman ang Viva Films para maibenta ang bago nilang pelikula, The Gifted na magkatambal sina Anne at Sam.

Sabi ni Sam, “I will always love Anne no matter what.”  Sa tagal daw nilang magkasama sa showbiz lagi niyang pinananabikan ang pagsasama nila ni Anne.

“Kahit matanda na akwo (ako), maghihintay ako para sa kanya.  She will always have a special place in my heart,” dugtong pa ni Sam.

Puro dakdak lang itong si Milby.  Bakit hindi niya pagsumikapang maging karapat-dapat kay Anne kung talagang mahal niya ito?  Wala naman kasi siyang maipagmamalaki kundi ‘yung American blood niya.  ”I am gifted on my American side,” diin niya.

Para sa amin, ibaling na lang ni Sam ang pokus niya sa kanyang career para hindi siya mahuli sa bilis ng asenso ni Anne.  Ginawa na niyang lahat pero wala namang nangyari.  Nagpunta pa siya sa Hollywood para subukan ang pag-aartista roon.  Ni hindi nga siya naka-first base man lang.  Magaling na siyang mag-Tagalog ngayon pero malabnaw pa rin ang acting niya!

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *