00 zodiac
Aries  (April 18-May 13) Ang araw mo ngayon ay mapupuno ng mga aktibidad. Tiyaking sapat ang iyong almusal.

Taurus  (May 13-June 21) Huwag magpapadalos-dalos sa pamimili ngayon. May darating pang mga detalye, maghintay muna.

Gemini  (June 21-July 20) Kung may kinakaharap kang maselang sitwasyon, humingi ng payo mula sa mga kaibigan at pamilya.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Mainam ang sandali ngayon sa kolaborasyon. Ang iringan sa awtoridad ay unti-unting mabubura.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Ang pagkatuto sa bagong bagay ay imposible kung iniisip mong batid mo na ang lahat ng bagay.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Ang kinakaharap na problema sa mga katrabaho ay dapat maayos. Kausapin sila.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Nag-aalala ka bang makasama sa trabaho ang tao na hindi mo gusto? Pakisamahan na lamang siya nang maayos.

Scorpio  (Nov. 23-29) Huwag hayaang dalhin ka ng iyong imahinasyon sa hindi maayos na pag-iisip.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Perpekto ang araw ngayon para sa pagtatapos ng mga bagay at masisiyahan ka sa pagharap sa mga ito.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Kung nagiging malamig ang relasyon, huwag mangamba. Hindi ito bad sign. Maging matiyaga lamang.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Huwag magsisimula sa ano mang bad patterns – kung may hindi magandang nangyari, aminin mong ito ay mali.

Pisces  (March 11-April 18) Ang iyong enerhiya ay mataas ngayon, ngunit lalakas pa ito kung ikaw ay magiging masigla sa mga gawain.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Kailangan mong manatili sa programa ngayon. Bagama’t may mga aberya, ito ay maaayos din.

Lady Dee