00 zodiac

Aries (April 18-May 13) Huwag matatakot na ilabas ang iyong talento at natatanging galing.

Taurus (May 13-June 21) Bitiwan ang mga materyal na bagay. Gawing simple ang pamumuhay.

Gemini (June 21-July 20) Sikaping maging magaan ang pakikipagtalakayan ngayon – iwasan ang mainitang pakikipagdebate.

Cancer (July 20-Aug. 10) Bago bumili ng isang bagay, tiyaking makakaya ito ng bulsa mo. Kapos ang iyong budget ngayon.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ikaw ay celebrity sa iyong sariling mundo – taglay mo ang kasikatan.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Masyadong maraming tao na nakikialam sa buhay mo – paalisin sila.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Kailangan mo ngayon ang iyong mga kaibigan – makatutulong sila sa iyong tagumpay.

Scorpio (Nov. 23-29) Panahon na para maghinay-hinay sa iyong propesyonal na buhay. Huwag munang hihingi ng umento sa sweldo.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Isasakripisyo mo ang ilang maliliit na bagay para sa iyong sariling paglago.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Huwag makikinig sa mga tao na hindi naging totoo sa iyo. Kailangan mo ng katapatan at pagpapahalaga.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Ikaw ang magiging lider sa bagong samahan. Makisalamuha sa kanila. Huwag mahihiya.

Pisces (March 11-April 18) Isang melodramatic na kasama ang pilit kang isinasama sa kanyang personal soap opera. Huwag papayag.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Hindi mo maaasahan ang iyong kutob ngayon – itinatago ng mga tao ang tunay nilang motibo, ang iba ay maaaring itinatago ang kanilang pagkatao.

Lady Dee