Vina at Robin, balik-tambalan sa Bonifacio
[divider]
SI Vina Morales na ang leading lady ni Robin Padilla sa pelikulang Bonifacio na entry ngayongMetro Manila Film Festival 2014 na ididirehe ni Enzo Williams, isang Fil-Am director.
Naunang tanggihan ni Iza Calzado bilang leading lady ang pelikula ni Binoe dahil busy daw siya at โpag hinintay daw siya ay baka mahuli ang deadline ng Bonifacio.
Inamin din Robin sa presscon ng Talentadong Pinoy na hindi nga pumwede si Iza at nanghihinayang siya kasi balik tambalan daw sana nila ng aktres pagkatapos nilang magsama sa pelikulang Joaquin Bordado.
Ang mismong aktres na si Vina ang nagsabi sa aming may movie sila ni Robin, โmay movie kami ni Robin, ha, ha, ha, ha. Had a meeting yesterday, โyung โBonifacioโ.โ
Kaya pala minamadali ni Binoe ang taping niya ng Talentadong Pinoy dahil mag-uumpisa na silang mag-shoot ng Bonifacio sa Agosto 29.
ni Reggee Bonoan

