Thursday , June 4 2026

Instant noodles masama sa kalusugan

NALAKOMBINYENTE ito, mura at masarap kapag mainit, subalit mabuti ba ito sa ating kalusugan? Ayon sa isang pag-aaral, ang instant noodles, na pangkaraniwang tinatawag na ramen at isang staple food para sa mga mag-aaral at estudyante at mga young adult, mahihirap at mga taong busy sa trabaho, ay maaaring makapagpataas ng panganib ng metabolikang pagbabago na may kaugnayan sa sakit sa puso at stroke.

Nakita ng mga researcher na nagsagawa ng pag-aaral na ang mga kababaihan sa South Korea na kumokonsumo ng mas maraming precooked blocks ng dried noodles ay mas malaki ang tsansa na magkaroon ng ‘metabolic syndrome’ kahit kumakain pa ng ibang pagkain, o kung gaano kadalas sila mag-ehersis-yo. Ang mga taong may metabo-lic syndrome ay madalas nakararanas ng high blood pressure o mataas na blood sugar level, at mas nahaharap sa banta ng sakit sa puso, stroke at diabetes.

“Habang ang instant noodle ay kom-binyente at masarap, maaaring magresulta ang madalas na pagkain nito sa metabolic syndrome sanhi ng mataas na sodium, unhealthy saturated fat at glycemic loads na sangkap dito,” ani Hyun Shin, co-author ng pag-aaral at doctoral candidate sa Harvard School of Public Health sa Boston.

Patungkol naman sa kalalakihan, may hinala si Shin at ang kanyang mga kasamahang siyentista na ang biological differences sa pagitan ng mga kasa-rian, tulad ng epekto ng mga sex hormone at metabolismo, ang maaaring dahilan ng kakulangan ng kaugnayan ng mga lalaki sa pagitan ng pagkain ng instant noodles at pagkakaroon ng metabolic syndrome.

Ang pag-aaral sa instant noodles ay isinagawa sa isang lugar sa South Korea na may pinakamalaking ramen consumption group sa mundo. Ang mga tao ay kumokonsumo ng hindi kukulangin sa 3.4 bilyon pakete ng instant noodles noong 2010.

 

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …