Gladys, ‘di aprubado sa pagtigil ni Uge na gumawa ng pelikula

082114 Gladys Reyes juday
ni John Fontanilla

[divider]

HINDI raw agree si Gladys Reyes sa desisyon ni Eugene Domingo na huminto na sa paggawa ng pelikula dahil naniniwala itong marami pang mga tao ang gustong mapanood na nagpapatawa ang magaling na komedyana.

Nanghihinayang daw ang MTRCB Board Member na si Gladys if tuluyan na ngang titigil sa pag-arte sa pelikula si Eugene dahil  isa raw ito sa maituturing na magaling na komedyante /actress sa bansa.

Sana nga raw ay magbago ang isip ni Uge ( Eugene ) at kalimutan na ang naging unang desisiyon na  iwan ang paggawa ng pelikula para mas marami pa itong mapatawa at mapasayang mga tao dahil sa husay nito at natural skills sa pagkokomedya.