00 Joke
BOY: ‘Nay! Muntik na ako maging top 1 sa klase!

NANAY: Ba’t mo naman nasabi?

BOY: Ini-announce kasi kanina ‘yung top 1 sa klase. Ang tinuro ni mam, ‘yung Katabi ko. Sayang!

***

Ms. Know It All

Isang mayabang na kaibigan ang dumalaw…

Jigna: San mo binili ‘yang Arowana mo? Gusto ko din n’yan, bibili rin ako!

Bet: D’yan lang sa Morayta, ganda ‘no?

Jigna: Mas maganda ‘yung bibilhin ko! Hindi ba mahirap alagaan ‘yan?

Bet: Medyo! Baka ‘di mo kayanin… Maselan sa pagkain ‘yan.

Jigna: Gano’n?! Marami rin naman akong alam sa Arowana ah! (nagyayabang)… Di ba kinakain n’yan, GOOFY?!