Friday , April 19 2024

P-Noy bukas sa term extension

00 Bullseye Ruther

BIGLANG nag-iba ang ihip ng hangin sa mundo ng politika nang magpahayag si Pres. Noynoy Aquino na bukas na siya sa isyu ng charter change at term extension.

Sa isang panayam sa telebisyon, inamin ni P-Noy noong Miyerkoles na payag na siyang amyendahan ang Konstitusyon. Ang rason ay para masupil daw ang labis na kapangyarihan ng hudikatura na sumisira umano sa balanse ng tatlong ahensya ng pamahalaan.

“Napaisip ako talaga, iyong tinatawag na judicial reach. Iyong Kongreso, iyong executive, kumilos kayo. Pero anytime, puwede namin kayong kastiguhin,” ang paglalarawan ni P-Noy sa kapangyarihan ng hudikatura.

At ang matindi sa pahayag ng Pangulo ay handa na raw siyang makinig sa kanyang mga “boss,” ang mga mamamayan, na mapalawig ang kanyang termino at muling kumandidato.

Malamang ay biglang nabilaukan o nahulog pa sa kanilang kinauupuan ang ibang mga kalaban sa politika nang marinig ang sinabing ito ni P-Noy.

Posibleng nakikinig na naman ang Pangulo sa mga damuhong dakilang sipsip na nakapaligid sa kanya, na hindi marunong mag-isip at pansariling interes lang ang iniintindi.

Kung kakapunin ni P-Noy ang hudikatura at muling tatakbong pangulo ay baka lumabas na diktador siya na tulad ng yumaong Pres. Ferdinand Marcos.

Aminado ang Liberal Party (LP) na si P-Noy pa rin ang pinakamalakas nilang kandidato.

Bumaba man ang kanyang ratings ay tiwala pa rin sa kanya ang marami sa ating mga kababayan.

Malamang na pumalag si Vice Pres. Jejomar Binay sa oras na itinuloy ni P-Noy ang pagtakbo sa 2016 presidential elections. Kompara kay Binay na nangunguna sa mga survey ay mas tiwala pa rin ang mga tao sa sinseridad ni P-Noy, mga mare at pare ko, at sa mga pagsisikap niya para mapangalagaan at mapaunlad ang ating bansa.

Tandaan!

***

ANG pangulo ay puwede lang maglingkod ng isang termino na nagtataglay ng anim na taon.

Ito ang magsisilbing balakid na dapat amyendahan sa Konstitusyon. Kakailanganin ang boto ng three quarters ng Kongreso at pagbuo ng constitutional convention sa pag-amyendang gagawin. Sinubukan itong gawin ng ibang naging pangulo pero kinondena sila ng publiko.

Ano ang lamang ni P-Noy sa kanila, mga mare at pare ko? Bukod sa higit na nakararami ang bilang ng mga kaalyado ni P-Noy sa Kongreso at Senado ay malakas ang hatak niya sa mga mamamayan, na hanggang ngayon ay nariyan pa rin para sumuporta sa kanya.

Manmanan!

***

SUMBONG: “Totoo po may mga sauna bath sa Binondo na sex for sale ang masahista. Ang Barcelona ay may special offer noon, dalawang babae sa isang kostumer. Paliliguan pa bago paligayahin. Minsan ay nakita ko rin na may mga pulis na ang saya-saya nang lumabas sa Top

Royal. Walang silbi mga pulis dito sa station 11. Bakit kinukunsinte nila mga sauna bath?”

Nananawagan tayo sa hepe ng MPD Station 11 na paki-check kung totoo itong “sex for sale” raw sa sauna bath diyan. Baka pinagkakaperahan na iyan ng bata mo nang hindi mo alam.

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Vilma Santos Anak CCP UST Students Gen Z

Ate Vi pasok sa panlasa ng Gen Z: tinilian, kinakiligan, pinalakpakan, pinuri

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAG-IISA talaga ang Star For All Seasons Vilma Santos. Bibihira sa industriya …

Beaver Magtalas Maxine Trinidad Mutya Orquia Gabby Ramos

Beaver nilinaw ‘di namamangka sa dalawang ilog: Mutya at Maxine parehong kaibigan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “HINDI po ako namamangka sa dalawang ilog.” Ito ang iginiit ni Beaver …

Vilma Santos Anak CCP UST Ricky Lee

Anak iniiyakan pa rin, Ate Vi advocacy pagbalik ng netizens sa mga sinehan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPAKA-PROPESYONAL talaga ni Vilma Santos. May sakit siya noong Lunes na …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *