Thursday , December 12 2024

Puso ng kelot sumabog tigok (10 gin parusa ng ‘berdugong’ chairwoman)

081414 alcohol dead SJDM bulacan

DAHIL sa kapirasong yero, muling nakatikim ng kalupitan ang isang pamilya na ikinamatay ng kapatid nilang lalaki sa kamay ng isang barangay chairwoman sa City of San Jose del Monte, Bulacan.

Ang pagkamatay ni Abundio Baltazar, 46 anyos, dahil sa sapilitang pagpapainom ng 10 bote ng gin (Ginebra San Miguel) o markang demonyo ni Barangay Chairwoman Laarni Contreras, katuwang ang tatlong kagawad at dalawang tanod kabilang ang hepe ay muling nagpaalala sa pamilya Baltazar nang maging biktima ang namatay na kapatid ng katulad na kalupitan noong Disyembre 2012.

Sa nakalap na impormasyon ng HATAW mula sa mga awtoridad, kaanak at kaibigan ng biktimang si Abundio, nabatid na noong Hulyo 16, kasagsagan ng bagyong Glenda nakapulot ng yero si Abundio at ang kaibigan na si Edgardo Villano, 45 anyos, sa loob ng Sarmiento Townville sa Barangay Poblacion 1, CSJDM.

Dakong 11am, habang ini-aalok nina Abundio at Villano ang kapirasong yero sa isang kapitbahay, kinaon sila nina barangay kagawad Rey Medina at Roy Vincent “Clinton” Española para imbitahan sa Barangay Hall dahil isinuplong sila ng isang alyas Palab na ‘nagnakaw’ umano ng yero.

Dahil wala naman kasalanan, mapayapang sumama sina Abundio at Villano sa dalawang barangay kagawad sa barangay hall.

Pagdating doon, isinailalim sila sa interogasyon ng barangay chairwoman na si Contreras, kung bakit nila ipinagbibili ang kapirasong yero na ayon sa dalawa ay napulot nila.

Ang sagot nina Abundio at Villano, ipambibili nila ng gin.

Nang isagot iyon ng dalawa, agad inutusan ng chairwoman na bumili ng 10 gin ang chief tanod na si Henry Malincon at isang tanod na si Roberto San Diego.

Habang binilinan ni Contreras sina Abundio at Villano na huwag aalis dahil ‘hinahanapan pa ng complainant.’

Pagdating ng 10 bote ng gin, agad inutusan ni Contreras si Malincon at San Diego na bigyan ng tig-isang bote ng gin ang dalawa at ipaubos sa kanila.

“Ubusin n’yo ‘yan, huwag kayong uuwi hangga’t hindi ninyo nauubos ‘yan,” utos ni Contreras sa dalawa.

Walang nagawa ang dalawa kundi sundin ang utos ni Contreras dahil ayaw na nilang maulit ang kalupitang naranasan nila noong Disyembre 2012, na sila ay pinainom ng isang alak na long neck, na may mukha ng isang politiko na sinabing ‘karelasyon’ ng chairwoman.

Hindi pa umano barangay chairwoman si Contreras nang panahon na iyon.

Pagkatapos ipaubos ang long neck, binugbog sila ng politikong karelasyon ni Contreras. Hindi umano sila makapanlaban dahil nakabantay ang mga bodyguard ng politiko na pawang may sukbit na baril sa bewang.

Kaya nang utusan sila ng chairwoman na uminom ng gin sa pagkakataong iyon, sumunod sila sa takot na bugbugin silang muli.

Nakainom ng mahigit sa tig-dalawang bote ng gin ang dalawa kahit hindi pa nakakakain ng tanghalian, walang chaser na tubig at nagtiyagang mamulutan ng Kamias. Dakong 3pm nang araw na iyon, nakitang nakagulapay sa papag na nasa gilid ng barangay hall ang dalawa, walang malay at nilalangaw.

Nang malaman ito ng mga kapatid ni Abundio, agad silang pumunta sa barangay hall para kunin ang kanilang kapatid.

Dahil gabi na pero hindi pa rin nagigising, ipinasya ng magkakapatid na dalhin sa ospital si Abundio.

Kinabukasan, Hulyo 17, nagising si Abundio sa ospital na hindi mapakali. Maya’t maya ay naiihi at parang init na init. Lingid sa kanyang bantay, may sumabog na palang ugat sa puso ni Abundio hanggang dakong 12:30 ng hapon, nalagutan na ng hininga ang biktima.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *