00 zodiac

Aries  (April 18-May 13) Iladlad ang iyong mga pakpak at sumubok ng bagong bagay. Ipakita sa mundo kung ano ang iyong kakayahan.

Taurus  (May 13-June 21) Tiyaking isa man sa mga tao sa iyong buhay ay batid ang nasa iyong kalooban.

Gemini  (June 21-July 20) Ang mga bagay ay nangyayari nang ayon sa iyong nais – ngunit tiyaking hindi lalaki ang iyong ulo.

Cancer  (July 20-Aug. 10) May magaganap na mga aberya sa iyong social life ngunit lilipas din ito.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Mainam ang enerhiyang dumarating sa iyo, ibahagi ito sa iba.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Ikaw ay kilala sa pagiging responsable, ngunit ngayon ay may mapababayaan kang gawain.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Mababatid mong ang iyong mga tauhan ay palaging nakasuporta sa iyo, bagama’t minsan ay nakaliligtaan mo sila.

Scorpio  (Nov. 23-29) Kailangan ang iyong muling sulyap sa bagong oportunidad – totoo ba ito?

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Ramdam mo ang iyong pag-asa sa bagong oportunidad. Maipatutupad ito sa tulong ng iyong kompyansa.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Maaaring parang imposible ang iyong pangarap ngunit kailangan mo itong pagsumikapan.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Ramdam mong hindi ka iniiwan ng grupo. Maaaring ng pamilya, o ng iyong mga kaibigan.

Pisces  (March 11-April 18) Kailangang maging maingat sa iyong boss ngayon – o sino mang nagkukunwaring boss.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Huwag sasalungatin ang opinyon nang nakatataas sa iyo kung hindi ka naman awtorisado.

Lady Dee