Thursday , June 4 2026

Darren, special guest sa repeat concert ni Jed!

081214 darren espanto
ni DOMINIC REA

NGAYONG September 12, 2014 ay muling magaganap sa Music Museum ang All Requests The Repeat Concert ni Jed Madela na produce ng kaibigan naming si Moises Manio ng M2D Productions!

Sa kanyang Instagram account ay personal na nag-post si Jed para sa  repeat na halos isang buwan ding inabangan ng tao ang formal announcement nito na sa rami ng nagtatanong at nag-request!

Ayon kay Jed, mas excited siya this time dahil madaragdagan ang magbibigay ng kani-kanilang video request lalo na ang ilang kantang idaragdag nila sa materyales na nagawa for the said concert.

Mula sa naging matagumapay nilang WCOPA sa Amerika na Pilipinas pa rin ang nag-Grand Champion ay sunod-sunod namang commitements ang inatupag ni Jed at magiging abala pa lalo ngayon sa kanyang gagawing repeat concert!

Mas exciting ang AR-The Repeat Concert ayon kay Jed na hopefully ay makuha nila si Darren ng The Voice KIds na maging guest niya sa kanyang concert.

Malaki ang tiwala ni Jed na malayo pa ang mararating ni Darren bilang isang singer at naniniwala siya sa kakayahan nito!

‘Yun na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …