00 zodiac
Aries (April 18-May 13) Kung plano mong magbago ng trabaho o career, ang chance encounter ang maaaring magbigay sa iyo ng oportunidad.

Taurus (May 13-June 21) Ang pagbiyahe sa eroplano patungo sa malayong lugar ay maaaring nasa iyong isipan, bagama’t hindi agad ito maisasakatuparan.

Gemini (June 21-July 20) Ang pagnanais na mapaganda ang bahay ay maaaring maipatupad mo ngayon. Posibleng dahil sa inaasahang mga bisita.

Cancer (July 20-Aug. 10) Malapit nang maging kapitbahay ang tao na matagal mo nang nais na maging kaibigan.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ramdam mo ang pagiging sociable ngayon. Maaaring dumalo ka sa party sa inyong komunidad.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ramdam mong ikaw ay loving, attractive at romantic ngayon.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Dahil sa tumaas na level ng ESP at imahinasyon, maaaring higit kang maging creative and artistic.

Scorpio (Nov. 23-29) Ang isang attractive na kapitbahay ay maaari mong maging kaibigan.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ang pangarap na bagong career ang maaari mong masusing iisipin ngayon.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ang spiritual goals ang maaaring maging pangunahing prayoridad mo ngayon.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Dahil sa magandang panaginip, gagana ang inyong imahinasyon at titindi ang iyong kakayahan sa sining.

Pisces (March 11-April 18) Isang bagong kaibigan ang posibleng dumating ngayon. Maaaring magustuhan mo agad siya.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Maaaring maging matalik na kaibigan ang isang bagong kakilala.

Lady Dee