Thursday , June 4 2026

Pugot na bangkay isinako sa Pampanga

ISANG bangkay ng lalaki na pugot ang ulo, naka-brief lamang at nakasilid sa isang sako ang natagpuan sa madamong lugar sa Sta Ana, Pampanga, kamakalawa.

Sa ulat ng Sta. Ana PNP, ang bangkay ay nakita ng predicab driver na si Rufino Timbol, na nakalagay sa maruming sako, sa madamong lugar sa barangay Sto. Rosario, dakong 6:45 a.m.

Ayon kay Timbol, napansin niya ang malaking sako na may bahid ng dugo kaya nilapitan niya at siniyasat.

Tumambad sa kanya ang naaagnas nang katawan ng lalaking pugot ang ulo at nakasuot lamang ng brief. Wala rin nakitang ano mang mapagkakakilanlan sa biktima.

May teorya ang pulisya na pinaslang sa ibang lugar ang biktima at itinapon sa lugar upang iligaw ang imbestigasyon. (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …