Tuesday , May 14 2024

Umiinit na ang banatan para sa 2016 election

00 Pulis Joey

21 MONTHS na lang at tapos na ang termino ni Pangulong Noynoy Aquino. Pipili uli tayo ng bagong mamumuno sa ating bansa.

Kaya naman umiinit na ngayon ang usapan sa mga nagbabalak o determinadong maging sunod na lider ng Pilipinas.

Sa social media tulad ng FB, Twitter at Instagram ay nagbabakbakan na ang mga “PR” ng presidentiables at maging vice presidentiables.

May mga nagsusulong pa ng “One More Term PNOY.”Na alam naman nating malabong mangyari dahil kailangan pang baguhin ang Saligang Batas. At wala nang panahon para gawin ito ng Kongreso, maliban na lang kung biglang nagkaroon ng Martial Law.

Si VP Jejomar Binay, na una nang nagpahayag ng kanyang pagtakbo bilang presidente, ay pinagtatrabaho na nang husto ang kanyang brilliant advertisers. ‘Yun nga lang… nababanatan siya sa political dynasty. Kasi nga naman ang pamilya niya ay nasa politika na lahat. Ang Jun-Jun niya, mayor ng Makati City na dati ni-yang pinamunuan simula nang italaga siyang OIC noon ni late Pres. Cory Aquino. Ang Nancy niya, senadora. Ang isang anak pa niyang babae, kongresista. At hindi malayong ang maging Vice niya sa pagtakbong Presidente ay ang misis pa niyang si Elenita na naging alkalde rin ng Makati City.

Tapos naglalabasan na ngayon ang mga “hidden wealth” o mga kuwestiyonableng ari-arian ng pamilya Binay. Naungkat na rin ang umano’y katiwalian sa kanilang pamumuno sa Makati City. Nabulgar ang P1.6 billion na umano’y halaga ng parking building na umano’y grabeng overpricing!

Anyway, nasa mga botante na rin ito kung paniniwalaan nila ang mga isyu laban sa mga Binay at kung pagkakatiwalaan pang ipuwesto uli sa 2016.

Ang pinakamahigpit namang umano’y makakalaban ni Binay ay si ex-Sen. Mar Rojas, kasalukuyang DILG Secretary.

Kung ano-ano na ngang gimik ang pinaggagawa ngayon ni Rojas. Nandiyan ang namamalengke siya, nagkakargador, nagkakarpintero at ang pinakahuli ay nagtatrapik. Kulang na nga lang ay magpasagasa si Mar para makakuha ng simpatya ng publiko e. Hehehe…

Op kors, hinahanapan din ng butas ng mga kalaban si Rojas. Pinaputok ang pagmumura niya sa isang staff sa golf club sa Wack Wack na nasuspinde ang kanyang membership.

Ibinuking din ni Senador Bong Revilla ang pagiging “Boy Pick-up” ni Rojas.

Si Revilla ay nakakulong naman sa kasong plunder (kaugnay ng P10-B pork barrel fund scam) sa PNP Custodial Cenrer sa Camp Crame. Kasama niya rito ang mga co-accused na sina Senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.

Sina Revilla at Estrada ay kapwa rin may planong kumandidatong Presidente sa 2016. Katawa-tawa na ang Pilipinas kapag inihalal pa ang mga taong ito na nakakulong sa plunder. Tama na sana ang isang Erap Estrada na nakabalik pa sa politika matapos mahatulan ng pandarambong.

Nag-iingay rin si Senador Alan Peter Caye-tano. Humahataw na nga ang advertising nila ng misis niya sa tv, radio at diyaryo. Sa Taguig daw mura ang tax, walang corrupt, libre ang gamot at edukasyon at maganda ang buhay.

Puro naman daw ito kasinungalingan, sabi ng mga taga-Taguig! Hehehe…

Pero mga igan, kung magpapa-survey kayo ngayon sa social media, ang nangunguna ay sina Senador Bong Bong Marcos, Grace Poe at Miriam Defensor-Santiago. Pumapalo rin sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Mayor Alfredo Lim, ex-Sen. Ping Lacson, ex-Sen. Manny Villar at Sen. Chiz Escudero.

Tingin ko nga kapag nag-tandem ang Marcos-Poe, panalo!

Pero mas matindi kung Lim-Duterte. Ubos ang mga kriminal. Hahaha…

Anyway, matyag-matyag muna tayo… marami pang matitinding mangyayari bago ang Mayo 2016.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Robinhood Padilla Cup Mistah Shootfest

Mariel niregaluhan ni Robin ng baril

ni ALLAN SANCON NAGING matagumpay ang kauna-unahang The Robinhood Padilla Cup: 1st Mistah Shootfest na ginanap sa …

Blind Item, Men

Male starlet boytoy ng magkakaibigang bading

ni Ed de Leon TANGGAP na ng isang male starlet na siya ay boytoy na ng mga kaibigan …

KC Concepcion Sharon Cuneta

Sharon inamin ‘di nila pagkakasundo ni KC

HATAWANni Ed de Leon FINALLY inamin na ni Sharon Cuneta na mayroon nga silang hindi pagkakasundo ng …

Vilma Santos

Ate Vi muling pinatatakbo ng mga taga-Batangas, Ryan hinihikayat din

HATAWANni Ed de Leon TALAGA palang mahigpit ang petisyon ng mga Batangueno kay Ate Vi (Ms …

Itan Rosales Christine Bermas

Itan Rosales, peg si Paul Walker sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IBANG klaseng pelikula ang Kaskasero na pinagbibidahan ni Itan Rosales. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *