Thursday , June 4 2026

Pagsama ni Marian sa Eat Bulaga, nakaganda sa kanyang career

 080814 MARIAN jose wally paolo

si Cesar Pambid

MAY ilang bashers kaming nabasa kay Marian Rivera. Tinutuligsa nila ‘yung laging pagpunta nito sa Eat Bulaga. For them, cheap daw ang dating ni Marian na pumapatol sa ganoon lang. Kumbaga, they are saying na nagta-trying hard ang GMA Primetime Queen sa ginagawa niyang everyday exposure sa Eat Bulaga.

Wrong. Becasuse Marian’s move to join Eat Bulaga is a big step towards cementing her career. Look, lalong sumikat ngayon si Marian dahil nga halos daily ang exposure niya sa programa.

True, in some ways nagpapakita ng katsipan si Marian not on her exposure pero ‘yung pakikipagbiruan niya ng sobrang anghang kay Jose Manalo. Pero takip na ‘yun ng isang maganda at bagong image na ibinibigay sa kanya ng Eat Bulaga. Tingnan naman ninyo, hindi biro ‘yung araw-araw ay nagbibigay ka ng puhunan sa isang piling televiewers. Sabihin nating hindi ganoon kalaki ‘yung bigay niya but at least, this could have a life-changing effect sa sino mang mabibigyan niya.

Kaya ‘yung nagsasabing cheap si Marian in joining Eat Bulaga, aba maling-mali sila.

Hindi po ba?

***

AND speaking of Eat Bulaga, 35 years na pala sila. Parang kailan lang ‘yung 1979, inilunsad sila para labanan ang noo’y sikat na Student Canteen. The show was a big leap in noontime TV dahil nga ‘di birong kalabanin ang isang institusyon gaya ng Student Canteeen.

Did you know, they almost didn’t make it kung hindi sila nakakuha ng ad support sa panahong binigyan na sila ng ultimatum? Even the hosts Tito, Vic, and Joey say na noong nag-uumpisa pa lang sila laro-laro lang ang ginagawa nila but eventually, ayan nga umabot sila ng 35 years na hindi nila napansin.

Trivia: Charo Santos pala was the original choice bilang co-host noon nina Tito, Vic and Joey, pero dahil busy ang ngayon ay malaking personality sa Kapamilya Network, they opted finally forChiqui Hollman. Kung pumwede kaya si Charo, will she still be in her position at ABS’s now?

Or shall we say na naka-destine talaga siya to become a big television personality?

Isang pang trivia: Joey De Leon pala, almost backed out of this show somewhere during its run at kung hindi lang naayos ang gusot nila ni Vic, tuluyan na siyang lumayas sa show.

After na naayos ang gusot tuloy ang ligaya and never again nagkaroon ng galos ang samahan ng barkada nila.

Ngayon nga, isang malaking institusyon na ang Eat Bulaga and in all its 35 years on air, wala pang nangahas na lumaban na tinalo nila ito. Lahat  ng sumabay sa kanilang barkada ay pawang tumba lahat.

So there!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …