Thursday , June 25 2026

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 55)

Pumili si Biboy ng tatlong numero sa mga numerong nakaanunsiyo sa white board sa loob ng counter ng kahera. Binayaran niya sa kahera ang kaukulang halaga para sa serbisyo ng aming magiging mga ka-partner. Tipong kabisado na niya ang kanya-kanyang numero ng tatlong masahista na nakakabit sa dulo ng kapirasong kahoy na may susi ng tig-iisang cubicle.

Tsampiyon sa ganda at kaseksihan ang mga tsikas na magpapaligaya sa aming tatlong magkakasama. Ang siste nga lang ay mistulang sasabunging manok na biglang nangupete si Taba-Choy sa harap ng kalaban.

“A-ano’ng ibig sabihin nito?” bulalas nito na mala-eng-eng ang dating.

Nakupuuu! May lalaki palang gaya ni Taba-Choy na sa labas ng paaralan ay nawawala ang katalinohan at pagiging ismarte.

Humapit sa baywang ni Taba-Choy ang braso ng malanditang masahista.

“Ibibiyahe kita patungong langit,” aniyang humalik-halik sa leeg ng aking boardmate.

Magpupumiglas pa sana siya sa tsikas kundi sa magagandang pananalitang binitiwan ni Biboy: “Sumama ka na sa partner mo, ‘Pre… ‘Di ka naman rereypin n’yan, e. May magagawa ba siya kung talagang ayaw mo.”

Sumegunda ako: “ Sige na, ‘Dre… Pwedeng magkwentuohan lang kayong dalawa. O kaya naman ay masahe lang talaga ang ipagawa mo sa kanya.”

At palihim kong kinindatan ang masahistang ka-partner ni Taba-Choy.

Naitoka sa amin nina Biboy at Taba-Choy ang tatlong magkakadikit-dikit na cubicle. Nari-nig ko ang pagbubukas ni Biboy sa zipper ng kanyang pantalon nang lumapat ang pinto ng cubicle nila ng ka-partner na masahista. Kumbaga sa kotse, ako naman noon ay nagsisimula nang magpainit sa makina ng aking sasakyan.

Ilang minutong namayani ang katahimikan sa tatlong cubicle na inokupahan namin nina Biboy at Taba-Choy.

Makaraan pa ng ilang minuto ay inabutan ko si Biboy sa labas ng cubicle ng ka-partner niyang masahista. Naisaayos na niya ang mga kasuotan. Plantsado na uli ang kanyang buhok. At maluwag na maluwag ang ngiti sa kanyang mga labi.

“Si Robert?” pagtatanong ko kay Biboy.

Isinenyas niya na naroon pa sa loob ng cubicle ang aking boardmate. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Insta360 Luna Ultra 1

Insta360 Launches Luna Ultra and Expands Retail Presence Across the Philippines
Leica Co-Engineered Gimbal Camera Leads Brand’s Growth to 50 Stores Nationwide

Insta360 officially introduced the Luna Ultra in the Philippines, marking the brand’s entry into the …

Camille Villar

Villar nanawagan
Mas matibay na seguridad, pinalawak na suporta para sa kalusugang pangkaisipan

NAGPAHAYAG si Senator Camille Villar ng matinding kalungkutan at pag-aalala kaugnay ng trahedyang pamamaril sa …

Multinational Village HOA DHSUD

DHSUD sinugod
Multinational Village residents nagsumbong kay Sec. Aliling Overstaying HOA officers patalsikin

SUMUGOD sa tanggapan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga residente …

Over 21,000 Filipinos Access Job Hiring and Upskilling Opportunities Through SM Supermalls and DOLE’s Nationwide Araw ng Kalayaan Job Fairs

SM in collaboration with the Department of Labor and Employment (DOLE) hosted the Araw ng …

FFCCCII Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation

Filipino-Chinese Groups Unite to Deliver P11 Million in Earthquake Assistance

The Filipino-Chinese community, led by the Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. …