ANG cute na Shiba Inu dog ang biggest attraction sa maliit na cigarette shop sa Tokyo, Japan. Maraming mga turista ang natutuwa sa aso bukod sa mga kustomer dahil sa pagbubukas niya ng bintana ng shop kapag may dumating na customer, ayon sa ulat ng Bored Panda.com.
“The cute dog, who lives in the shop with his owner, attracts both regular customers and tourists from all over the country who come to buy a pack of cigarettes or snacks and say hi to the adorable shopkeeper,” ayon sa ulat.
Ang video ng aso na ini-post sa YouTube noong Abril, ay mayroon nang 500,000 views hanggang nitong Martes.
Sa nasabing video, nilapitan ng YouTube user ang shop, habang ang aso ay nakahiga sa ibaba ng counter.
Nang makita ang kustomer o bisita na papalapit, agad tumayo ang aso at binuksan ang bintana, na ikinatuwa ng kanyang amo.
Nagbigay rin ang amo ng pagkain sa bisita para pakainin ang kanyang asong shop assistant. (BoredPanda.com./GMA News)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
