Thursday , June 4 2026

Arjo, sobrang humanga sa galing ng inang si Sylvia

00 fact sheet reggeeSOBRANG over-whelmed si Arjo Atayde na ang nanay niyang si Sylvia Sanchez dahil join na ang aktres sa seryeng Pure Love at napanood noong isang gabi ng unang eksena ng mag-ina.

Isang baliw ang papel ni Ibyang (tawag kay Sylvia) na dinadalaw-dalaw ni Raymund (Arjo) sa pagamutan.

Kaya tinanong ang aktor kung ano ang pakiramdam niya pagkatapos maka-eksena ang nanay niya.

“Biruang namin ni mama, bukas wala ka ng career, kasi mas magaling ako sa kanya, ha, ha, ha, ha,” tumatawang sabi ng aktor.

“Kasi normally, ‘pag may kausap akong mga artista, sinasabi magaling siya, pero never ko pa siyang naka-eksena kaya hindi ko alam.

“Pero bilang anak, nasanay lang ako na nandiyan siya lagi (bahay), nakakausap ko kaya hindi ko nakikita ‘yung pagka-artista niya.

“So, eventually, after this (eksena nilang dalawa), humanga na ako pagkatapos, intense ‘yung scene at drama talaga, at doon ko lang nakita na, ‘ay artista talaga’ at doon ko lang napatunayan na magaling nga talaga siya (Ibyang),” kuwento ng proud son ni Sylvia.

Wala bang agam-agam si Arjo na baka matabunan o lamunin siya ng nanay niya?

070214 sylvia arjo
“Hindi naman, kasi ‘pag magaling naman ang ka-eksena mo, hahatakin ka naman pataas, ‘di ba?

“’Yung nilamon, hindi naman, siguro it’s for you guys to judge. But I don’t mind kung sabihing nilamon ako, it’s because she’s there for how many years already at napakagaling at isa siya sa itinuturing kong magaling na aktres sa industriya and I don’t take it against that.

“Ang goal ko lang sa eksenang iyon, eh, makasabay man lang ako sa kanya,” katwiran ni Arjo.

Inamin ng binata na nanay niya ang mentor at critic niya.

“Sabi lang niya is, magaling ka talaga. After the scene, nag-text siya, sabi niya, magaling ka nga.’ Natuwa ako kasi siya ‘yung mentor ko talaga.

“Kung may problema sa acting ko at may nakita siyang mali, nagte-text kaagad siya sa akin. Nakatututok ‘yan, eh.

“’Pag may episode siyang hindi napanood, may I Want TV, doon siya (nanonood),” nakangiting say ni Arjo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …