Wednesday , July 17 2024

Batilyo kritikal sa fish dealer

SUGATAN ang isang batilyo o fish porter makaraan gulpihin at saksakin ng isang fish dealer na kanyang nakasagutan kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Rey Reyes, 30, ng Estrella St., Brgy. Tañong ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng saksak ng icepick sa dibdib.

Habang agad naaresto ang suspek na si Jose Al Almudiel, 32, negosyante ng isda, ng Palmario II St., Brgy. Tonsuya, Malabon, nakapiit sa detention cell ng Malabon Police.

Sa ulat nina SPO1 Jerry Dela Torre at PO3 Jun Belbes, dakong 10:25 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng consignacion market sa kahabaan ng Estrella St. ng nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon, nagkasagutan ang dalawa sa hindi nabatid na dahilan hanggang gulpihin ng suspek ang biktima.

Hindi pa nakontento, pinagsasaksak ng suspek ng icepick ang biktima.

Bagama’t sugatan ay nakatakbo ang biktima at nakahingi ng tulong sa kalapit na Police Community Precint (PCP-6) dahilan upang maaresto ang suspek.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Pasay LGU at CWC, lumagda para sa Makabata Helpline 1383

Pasay LGU at CWC, lumagda para sa Makabata Helpline 1383

LALONG PINALAKAS ng Pasay city government ang inisyatibang palawakin at seryosohin ang pangangalaga sa kapakanan …

arrest prison

Kapwa may asuntong Child Abuse
AKUSADO INARESTO SA PRESO
Isa pang MWP nasakote 

DALAWANG lalaki na nakatala bilang most wanted persons (MWP) ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay …

France Castro Satur Ocampo

 ‘CONVICTION’ SA CHILD ABUSE KINONDENA
‘Power of Red taggers’ inginuso

KINONDENA ng mga makabayang kongresista at mga militanteng grupo ang ipinataw na hatol ng Tagum …

Egay Erice Comelec

$15-M bank account ng Comelec official ibinunyag ng ex-Cong

TILA ‘isinampal’ ni dating Caloocan representative Egay Erice sa tanggapan ni Commission on Elections (COMELEC) …

Eng Bee Tin

Unang “National Hopia Day” celebration sa 19 Hulyo pangungunahan ng Eng Bee Tin

GAGANAPIN ang kauna-unahang selebrasyon ng “National Hopia Day” sa Filipinas sa 19 Hulyo 2024, na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *